Piolo: Hindi ako naliligo pag nasa bahay lang!

piolo pascual
SINONG mag-aakala na sa edad na 38 ay kinuha pang endorser si Piolo Pascual ng isang whitening soap? Kailangan ba ng aktor ang sabong pampaputi?

Si Piolo ang male counterpart ni Iya Villana na 11 isang taon nang endorser ng Silka Papaya at kaya raw tinanggap ito ng Kapamilya leading man ay dahil naniniwala siyang aalagaan ang kutis niya lalo’t wala naman daw siyang inilalagay na anuman sa kanyang katawan.

Ang katwiran ni Piolo, “I’ve never been into whitening (products), I like being in the sun and it also helps, like taking care of my skin. So thank you sa Silka for considering me, to be part of their family.

I never thought na mag-e-endorse ako ng whitening soap.” Alam n’yo ba na hindi naman pala vain si Piolo sa totoong buhay, sa katunayan dalawang minuto lang siya kung mag-shower, “Shampoo at sabon lang naman ako, okay na, pag may lakad ako, saka lang ako naliligo nang matagal.

Pag nasa bahay lang ako hindi na ako naliligo,” tumatawang kuwento ng aktor.Ibinuking pa nga ni Piolo na mas matagal pa raw sa banyo ang anak niyang si Iñigo na inaabot ng isang oras sa paliligo.

Speaking of Iñigo ay aminado ang proud dad na natutuwa siya sa magandang nangyayari ngayon sa showbiz career ng anak pero may usapan na raw silang mag-ama tungkol sa pag-aartista nito.

“Kapag bumagsak siya sa pag-aaral niya, he had no choice kundi bumalik sa States, wala na kaming pag-uusapan pa,” say ni Piolo. “Naka-enrol ngayon si Iñigo sa online, he’s on 3rd (year) high school at pagdating ng 4th year, balik siya sa States para sa regular school hanggang gumradweyt.

“Nakakatuwa kasi at the age of 17, milyonaryo na, so I’m worried na baka mabigla, ma-overwhelm sa rami ng offers, ‘yun ang prayer ko na sana hindi magbago,” pagkukuwento ni Piolo.

Kaarawan ng aktor noong Lunes, at wala raw regalo sa kanya ang anak, “Kung kailan nagkapera, wala akong regalo. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ni PJ.

Hindi na itinuloy ni Iñigo ang singing career niya sa Amerika kung saan miyembro siya ng boy band na maglilibot sa iba’t ibang lugar dahil matatali siya ng tatlong taon bagay na hindi rin gusto ni Piolo.

“Because they’re asking for minimum of three years, matagal, eh, tapos exclusive siya. We got endorsements here, there’s some work to do, so conflict of interest.

He chose to be here because we can spend time together.  Pag tinali siya roon (US), we can’t spend time together,” katwiran ng aktor. In fairness, ang ganda nga naman ng offer kay Iñigo dahil bukod sa may pelikula na sila ni Julia Barreto under Viva Films kasama sina James Reid at Nadine Lustre ay umeere na rin ang kanilang Wansapanataym  Presents Wish Upon A Lusis na maganda naman ang naitalang rating.

At heto pa, nadulas pa si Piolo sa pagkukuwento dahil ibinuking nito na kasama ang anak bilang ka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Padilla sa pelikulang “There Was A Boy There Was A Girl” na post Valentine offering ng Star Cinema na ididirek ni Mae Cruz.

Read more...