HEART naging fresh nang lumayo kay DANIEL

Nabigyan kasi ng panahon ang kanyang sarili

MARAMI ang nagsasabi sa amin na mula raw nang makipaghiwalay si Heart Evangelista kay Daniel Matsunaga ay mas lalo raw itong ginanahan magtrabaho.

Lagi raw itong “on the go” kapag nasa set ng teleseryeng Legacy ng GMA.

May mga nagsasabi rin na mas gumanda raw ngayon si Heart at laging mukhang fresh.

Ibig sabihin, mas nabibigyan na ng aktres ng panahon ang kanyang sarili, unlike before raw na halos lahat ng time at atensiyon niya ay na kay Daniel.

Meaning, mas maligaya ngayon si Heart at mas inspired mag-work.

Ayon pa sa isang source natin, kung happy si Heart, e, mas maligaya raw ang kanyang pamilya ngayong wala na sa buhay niya si Daniel.

No, hindi naman sa atat na atat silang magkahiwalay ang dalawa, ang gusto lang sabihin n gating source, e, talagang hindi para sa isa’t isa sina Heart at Daniel.Anyway, napansin din ng mga manonood sa ilang mga eksena ni Heart sa Legacy ng GMA na ang ganda-ganda ngayon ng aktres, sabi nga ng isa naming kapitbahay na laging nakatutok sa serye, “Kung kalian nakipaghiwalay kay Daniel saka lumabas ang ganda niya.

At in fairness, hindi na siya yung payat na payat, nagkalaman siya ng kaunti. At mas lumabas ‘yung sex appeal niya!”

Anyway, ngayong linggo, abangan n’yo raw ang mga susunod na eksena sa Legacy na napapanood pagkatapos ng My Beloved sa GMA Telebabad.

Tiyak daw na masa-shock kayo sa mga bagong pangyayari sa buhay nina Diana (Heart), Natasha (Lovi Poe) at Bernadette (Alessandra de Rossi).

In fairness ha, laging agaw-eksena sa Legacy si Alex! Lahat ng nakakausap naming sumusubaybay sa serye ay tuwang-tuwa sa character ni Alessandra na isang bobita-kontrabida pero madiskarte sa buhay.

Say ng isang nakachika naming, “Ang galing-galing ni Alex! Talbog silang lahat kapag nag-dialogue na siya.

Sana mas marami pa silang confrontation ni Cherrie Gil. Panalo ang pagtatarayan nila! Grabe!”

Read more...