Magkaka-boyfriend na ba ngayong 2015?

Sulat mula kay Kathy ng Sitio Gaboc, Kanlaon City, Negros Oriental
Dear Sir Greenfield,
Matagal na po akong “single” o walang boyfriend, simula ng nagka-break kami ng first boyfriend ko noong high school. Sa ngayon po ay 24 years old na ako at sa darating na July 7 ay 25 years old na po ako. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend ng seryoso at totohanan. Sa totoo lang po di ko pa nararanasan yong boyfriend talagang seryoso, kaya sana wish ko lang na sana sa taong ito ay magka-boyfriend na ako. Matutupad kaya ang pangarap kong ito? Kung matutupad anong buwan kaya ito mangyayari at ano ang zodiac sign ng lalaking magiging boyfriend ko?
Umaasa,
Kathy ng Negros Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing agad tumubo, lumago, kumapal at humaba ang kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa edad mong 24 maaaring hindi pa panahon upang ikaw ay magka-boyfriend, subalit ang mabuting balita, pagtuntong mo ng edad na 25, ibig sabihin 7 months from now – sa wakas, magkaka-boyfriend ka na rin ng seryoso at totohanan.
Cartomancy:
Mayaman o may kaya sa buhay ang magiging boyfriend mo ang nais sabihin ng King of Diamonds, kung saan, ang nasabing lalaki ay makikilala mo sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Marso hanggang Abril ayon sa Three of Hearts at Four of Hearts, kung saan, sa nasabing panahon unti-unting mabubuo ang isang matimyas na relasyon na mapo-formalize sa buwan ng Hulyo sa ika-25 mong kaarawan.
Itutuloy….

Read more...