Iñigo Pascual ampon lang, Ate ni Piolo ang tunay na nanay?

piolo pascual
Matagal na naming narinig yung isyu tungkol kay Piolo Pascual at sa anak nitong si Inigo – na ang sabi’y hindi tunay na anak ni Piolo ang bagets. Ayon sa mga tsismis, anak daw ito ng sister ni Piolo na tiburcia na aksidenteng nabuntis.

Para maprotektahan daw ang kapatid niya dahil hindi raw nito matanggap na nabuntis siya dahil tibamski nga raw ito, inako na lang daw ni Piolo si Iñigo. In short, si Piolo raw talaga ang kinikilalang ama ng binatilyo.

Wala naman kaming nakikitang masama kung totoo mang hindi biological son ni Papa P si Iñigo. Ang mahalaga ay lumaking mabuti ang bata at naging mabuting “ama” si Piolo sa kaniya.

Kasi nga, wala naman tayong nabalitaang nabuntis ni Piolo in the past – iba ang nabalitaan natin tungkol sa kaniya. It’s a different thing, di ba?

Ilang beses ko nang na-meet itong si Iñigo at gusto ko ang personality niya. Napakadisenteng bata. Regardless kung saang sinapupunan siya galing, it’s immaterial para sa amin.

Ang mahalaga ay lumaki siyang mabuting bata at maganda ang boses, ha. May class ang tunog niya. Gusto ko siya. Gusto ko lang sanang makitang lumaki ang pangalan ni Iñigo dahil sa kaniyang angking talento, hindi lang dahil ama niya si Piolo Pascual.

To a certain extent ay advantageous din ang pagiging anak ng isang sikat na celebrity para sa pagpasok nito sa showbiz industry – mas madaling makilala pero it’s equally disavantageous din dahil ang hirap makawala sa imahe ng kapamilya niya – mahirap makagawa ng sariling identity kumbaga.

Kaya dapat kay Iñigo ma-surpass niya ang talent ng ama niya – kailangang makilala siya on his own capacity – hindi lang dahil anak siya ni Piolo Pascual. Mahirap kayang magkaroon ng super-sikat na parents from the industry na pinasok mo.

Tingnan mo si KC Concepcion, hirap siyang makaalagwa dahil parehong sikat ang parents niyang sina Gabby Concepcion and Sharon Cuneta.

Kaya bini-busy na lang yata niya ang sarili sa pakipagrelasyon kay Paulo Avelino na isa pang malaking Da Who sa showbiz. Ha-hahaha!

Read more...