KOMEDYANTE pala talaga sa tunay na buhay ang Kapuso actress na si Gwen Zamora. Enjoy na enjoy kami sa pakikipag-chikahan sa kanya nang dumalaw siya sa BANDERA nitong nakaraang Huwebes kasama ang kanyang publicist na si Ms. Lana at ang kaibigan natin sa Corporate PR ng GMA na si Ms. Marian.
Nakakaloka ang mga rebelasyon ni Gwen about her personal life, lalo na ang tungkol sa kanyang ideal man at ang isang bagay na natutuhan niya mula sa namayapang Hollywood singer-actress na si Whitney Houston. Narito ang kabuuan ng one-on-one interview natin kay Gwen Zamora.
BANDERA: Paano ka ba na-discover?
GWEN ZAMORA: Basically, I came here on a holiday, tapos in-introduce ako ng current manager ko sa GMA Artist Center, ‘yung manager ko kasi, kaibigan siya ng daddy ko, ka-bandmate niya.
Du’n na nag-start ‘yung career ko.
B: ‘Yung una mo bang project, ‘yung Grazilda (teleserye noon sa GMA na pinagbidahan nila ni Glaiza de Castro)? O, meron pang mas nauna du’n?
GZ: Actually, nagsimula talaga ako sa Bubble Gang, that was my first project on TV, so comedy agad.
Actually, when I was younger I started as a comedian talaga.
I started kasi with clowning. Hindi ‘yung clown na may red sa ilong at may heavy make-up na white sa face.
It’s called comedya de larte, it’s a form of entertainment during the 1600, the way they entertain the king.
Parang stand-up comedy siya ngayon.
B: So, hindi na pala bago sa ‘yo ang pagpapatawa nang mag-join ka sa Bubble Gang?
GZ: Hindi na, talagang comedian na ako noon pa.
Pero as for Bubble Gang, I must admit, at first talagang grabe yung kaba ko, kasi first time ko magwo-work sa TV.
Na-starstruck talaga ako sa mga kasama ko.
Lalo na kay Ogie (Alcasid) kasi siya ‘yung unang nakasama ko sa eksena.
But he’s kind enough to make me comfortable and I learned a lot from him, kay Bitoy (Michael V), and everyone else on the set.
Pero medyo napabilis nga ‘yung mga pangyayari dahil after a week yata or two, sumabay na yung Enteng Kabisote (movie with Vic Sotto) and Grazilda, so parang I’m working almost everyday na.
B: Hindi ka ba naguluhan o na-culture shock dahil bago ka pa lang pero ang dami-dami mo na agad ginagawa?
GZ: I have to take it as a challenge, kasi ‘yun naman talaga ang gusto ko, e.
So, ang ginawa ko, time management lang talaga and be as professional as possible.
B: Pangarap mo ba talaga ang maging artista mula pa nu’ng bata ka?
GZ: Noong bata ako, I really want to be an architect, but when I started acting at the age of 14, I don’t want to stop anymore.
I told myself, this is it. I love this job. But now, gusto ko ring i-pursue yung directing.
Sana matupad ko ‘yun one day. ‘Yung pagiging architect, wala na talaga ‘yun, dedma na. Ha-hahaha!
B: Mukhang enjoy na enjoy ka na sa showbiz, kitang-kita ‘yung dedication mo at yung passion mo sa iyong craft?
GZ: Yeah. I love it. Pero siyempre, kinakabahan pa rin ako, like whenever I face the camera.
But I think that kaba is one factor na nagtsa-challenge sa akin to do better.
Kasi kung super relax lang ako, walang pakialam, siyempre, paano ako gagaling? Paano ko pa mai-improve ‘yung craft ko?
B: So, para sa ‘yo ang showbiz trabaho talaga or parang laro-laro lang?
GZ: I think trabaho talaga. And I love acting talaga kaya ginagalingan ko, I give my 100 percent in everything I do.
And this is not about money lang, it’s loving what you do.
B: Saan ka mas comfortable, sa pagiging bida or kontrabida, kasi ang galing-galing mo sa Biritera (GMA soap opera with Dennis Trillo and Glaiza) as a villain?
GZ: Feeling ko hindi ko pa ine-explore ‘yung pagiging api. Ang gusto ko sanang role ‘yung mga ganu’ng klaseng character.
Lalo na dito sa Philippines, I started as a comedian, di ba? Du’n sa Grazilda where I played Cinderella, hindi naman talaga ako inapi doon dahil nag-start ‘yung story magpapakasal na kami ni Prince Charming.
Kaya sana ma-experience ko ‘yung character na aping-api, heavy drama, iyakan.
Kasi ngayon sa Biritera, kontrabida ako. Kaya pag-uwi ko sa bahay parang ang sama-sama ko.
After ng eksena, nandu’n pa rin ‘yung tension. Ang bilis pa rin ng takbo ng puso ko. Ewan ko, ang bigat sa dibdib!
I admit, fun ang maging kontrabida, pero ‘yun nga, ang sakit sa dibdib, parang kahit tapos na ‘yung trabaho, napi-feel mo pa rin ‘yung character, medyo mahirap tanggalin agad.
B: Ang dami-daming naiinis sa ‘yo sa Biritera, wala pa bang nang-aaway sa ‘yo sa mga mall kapag nakikita ka nila sa personal?
GZ: Wala pa naman. May nagsabi lang na, ‘Ang bitch ni Gwen sa Biritera, but I love it!’ ‘Yung mga ganu’n lang, wala pa namang personal.
Positive naman ‘yung mga sinasabi nila. Pati sa Twitter, ‘yung mga followers ko ang babait nila.
May mga iba negative ‘yung comments nila, pero I take it as constructive criticisms.
B: Ano pang role ang gusto mong gampanan na matsa-challenge ka nang bonggang-bongga?
GZ: Gusto kong gumanap ng baliw, like taong-grasa or mental patient. Tsaka tomboy.
‘Yung parang The Coffee Prince (Koreanovela), ‘yung romantic comedy. Hindi naman ‘yung tomboy na heavy or daring.
B: Anong pinagkaaabalahan mo kapag wala kang taping or shooting?
GZ: Right now, family, kasi nandito sila ngayon, ‘yung pamangkin ko.
Kaya when I don’t have work, sila ‘yung mga kasama ko.
B: Magimik ka ba? Party girl?
GZ: Hindi naman. Lumalabas ako with some friends, pero hindi na madalas.
Kasi kapag galing ka sa trabaho, mas gugustuhin mo na lang magpahinga, humiga sa kama mo para may energy ka uli sa susunod na work.
Ginagawa ko pa rin naman ‘yung mga ginagawa ko dati.
You know, one thing I learned dito sa showbiz, is that, huwag kang magbabago.
Until now, I still go to Divisoria, sa Quiapo. Minsan nga pinagagalitan nila ako kasi nagpupunta pa rin ako sa mga public places.
Kasi tao pa rin naman ako, e. Gusto kong gawin ‘yung mga bagay na ginagawa ng isang typical individual.
May isa nga akong natutuhan kay Whitney Houston, sabi niya, when you become famous, you don’t change your character, just enhance it.
So, kung bad ka raw before, lalo kang magiging masama kapag hindi mo na-realize or tinanggap yung mga pagkakamali mo.
Pero kung good ka before, mas magiging good ka pa kapag laging positive ‘yung outlook mo sa buhay.
I live by it. I’m simple before, and I’m simple pa rin until now.
B: May beauty secrets ka ba? And how do you maintain your figure?
GZ: You know, ito ha, the best way to maintain your ideal weight is Glutamax, kasi I had a hard time with my weight.
Kasi before, medyo mataba ako.
And it really works. Walang negative side effects.
Nag-try kasi ako ng mga ek-ek na pampayat, wala talaga.
Ito kumakain ka pa rin, hindi ka pabalik-balik sa banyo.
Perfect sa akin. Kaya kinuha na nila akong endorser. Very soon, mag-start na ako sa kanila.
Tsaka adik ako sa oil, kasi I have a very dry skin. Yung mga lotion kasi, after 20 minutes, nagda-dry na.
So, kailangan ko talaga ng oil all over my body.
B: O, ito na Gwen, kumusta naman ang lovelife?
GZ: Wala. Kasi, I feel like focusing on myself and my family more than anything.
Sabi ko nga, darating din ‘yan sa tamang panahon. Kasi, hindi naman talaga hinahanap ‘yan, di ba?
Kapag time na para mag-boyfriend, I think, hindi ka na rin makakaiwas, e. Date? I’d love to. Ha-hahaha!
B: Pero sa tingin mo, mabubuhay ka ng walang lalaki sa tabi mo, na nagpapasaya sa ‘yo?
GZ: Oo, naman. May mga aso naman ako sa bahay.
Ang sweet-sweet kasi ng mga aso ko, e. Kapag dumarating ako sa bahay, nawawala ang pagod ko kapag lumalapit na sila sa akin at naglalambing.
B: Anu-ano ba ang mga qualities na hinahanap mo sa lalaki?
GZ: Gusto ko matangkad! Simple lang na may ambition sa buhay. Productive.
Ayoko ‘yung buong araw gusto niya lagi kaming magkasama, or tambay-tambay. Mabait siyempre.
B: Pero okay lang sa ‘yo na mas mayaman ka sa kanya?
GZ: Okay lang, pero huwag naman ‘yung ako pa ‘yung bibili ng briefs niya. Ha-hahaha! Huwag naman ganu’n. Hindi ko naman kakayanin ‘yun!
B: Pabor ka ba sa live-in muna bago kasal?
GZ: Yeah! Kasi I was raised sa ibang bansa, very western ‘yung pananaw ko sa buhay.
I belive that you cannot really know a person without actually living in with him.
Kasi di ba, imaginin mo, kapag kasal na kayo, tapos biglang malalaman hindi pala siya ‘yung talagang gusto mo.
Lalabas ‘yung tunay na ugali, like ‘yung mga briefs niya kung saan-saan niya iniiwan, di ba? Ha-hahaha! Briefs pa rin talaga!
B: Ano ang dream wedding mo?
GZ: Before, I really like beach wedding.
Pero nu’ng nag-Bubble Gang kami, ako ‘yung bride, e, beach ‘yun, ayoko na!
Kasi yung hair ko kung saan-saan pumupunta! ‘Yung make-up ko, hindi ko na maintindihan kung ano siya.
Tapos umulan pa. Kaya sabi ko, ayoko na ng beach wedding, indoor na lang! Baka garden wedding na lang.
B: Naapektuhan ka ba ng pagkaka-link mo kay Vic Sotto noon?
GZ: No. Na-shock lang ako.
Sabi ko nga nu’ng marinig ko, tsaka mabasa, ‘What? Are you serious? Si Bossing?’
Kasi nangyari ‘yun twice, siguro kasi dahil sa movie namin (Enteng Kabisote).
Never talaga niya akong niligawan.
Tsaka paano niya liligawan ‘yung taong laging naka-po, opo, bakit po? Kumain ka na po? Di ba?