Utos daw ni Marian: Isabelle tsugihin sa ‘Kubot 3’ ni Dingdong

isabelle daza
MARIAN Rivera has not changed at all. She seems to be the INSECURE Marian up to this days. Kaya pala napabalitang tinarayan niya si Isabelle Daza ay dahil sa SELOS.

In one of Isabelle Daza’s Instagram posts, isa ang nakairita kay Marianita – the one which had her with Dingdong Dantes.
Apparently, the photo miffed Marianita big time and she took the IG  as insulting perhaps.

Through a friend, stylist Liz Uy, ay nagpasabi raw itong si Marianita na hindi na makakasama si Isabelle sa “Kubot 3”. Nanakot pa, ha? Also, it was reported that Marian said na hindi naman magaling umarte si Isabelle.

Talaga? Hellloooooooo? Between Marian and Isabelle, there is no iota of a doubt na mas magaling umarte ang anak ni Gloria Diaz, ‘no. Bukod sa mas matalino, she has the characteristic elan and sophistication, something which Marian NEVER HAD.

Eh, ano naman kung hindi na makasali si Isabelle sa “Kubot 3”, malaking kawalan ba ‘yon? Kung true na sinabi ni Marian na hindi na makakasama si Isabelle sa third installment ng horror-suspense movie ni Dingdong, aba, may say pala siya sa mga projects ng asawa niya.

Bigla tuloy naming naalala na meron sanang soap na gagawin si Heart Evangelista with Dingdong pero hindi natuloy dahil ayon kay Heart ay nagalit si Marian at ikinulong siya sa banyo ng aktres during their shooting in Vigan, Ilocos Sur para sa “Temptation Island.”

Nasabi na ng GMA exec ang tungkol sa teleserye ni Dingdong kay Heart pero walang palabra de honor ang hitad na exec dahil hindi itinuloy ang project. Clearly, kinampihan niya si Marian.

Read more...