Sulat mula kay Marlyn ng Subang, Mandaue City, Cebu
Dear Sir Greenfield,
1. Okey naman po sana ang pagsasama namin ng mister ko ang problema, sa loob ng limang taon until now wala pa rin kaming anak. Itatanong ko lang po kung magkaka-baby na po ba kami ngayong taong ito ng 2015 at kung magkaka-baby na kami kailan po kaya ito mangyayari?
2. Gusto ko rin pong malaman kung babae po ba o lalaki ang unang magiging baby namin? July 17, 1981 po ang birthday ko at January 16, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Marlyn ng Mandaue City, Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing compatible kayong mag-asawa, at dahil tugma at compatible naman kayo, umasa kang sa malapit na hinaharap, makakabuo din kayo ng baby na magdadala ng panibagong galak at sigla sa inyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay strong number dahil ito ay may suma-total na 8 (1+7=8) habang ang taong 2015 ay may sumatotal ding 8 (20+15=35/ 3+5=8) na nangangahulugang sa taong ito ng 2015, walang duda, susuwertehin ka, dahil 8 ang birth date mo at 8 din ang number ng taong 2015 – at ang isa sa mga suwerteng darating, magkaka-baby na kayo!
Graphology/Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang tinurang pag-aanalisa sa itaas lagi kang gumamit ng kulay na pula, sa inyong silid, habang lagyan mo ng bilog na buntot ang ilalim na bahagi ng letrang “y”, sa iyong pangalan. Sa ganyang sigurado na ang magaganap – magkakababy na kayo.
Huling payo at paalala:
Marlyn ayon sa iyong kapalaran matatapos na rin ang nakakainip na paghihintay, dahil sa taong ito ng 2015 sa buwan ng Enero hanggang Pebrero edad mong 34 pataas, isang babaing supling ang mabubuo sa iyong sinapupunan, upang pagsapit buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, isang malusog na babaing sanggol ang kukumpleto ng inyong pamilya, upang minsan pa ang nasabing samahan ay pang habang buhay ng magiging maligaya.
Magkaka-baby na ngayong 2015 (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...