Coco lalaban kay Vice sa comedy; Bimby may solo movie na

coco martin
Bibigyan na ng solo movie ng Star Cinema ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby. Ito’y matapos ngang kumita ng milyun-milyon ang MMFF entry nila ni Vice Ganda na “The Amazing Praybeyt Benjamin.”

In-announce ng mga bossing ng Star Cinema ang good news na ito sa joint thanksgiving party ng  “Praybeyt Benjamin” at “Feng Shui” noong Biyernes.

Ayon sa huling ulat, kumita ang pelikula nina Vice at Bimby ng P415 million, habang ang “Feng Shui” naman nina Kris at Coco Martin ay naka-P225 million as of Jan. 9.

Samantala, kinumpirma rin ni Coco na sa unang pagkakataon ay sasabak naman siya sa comedy. Makakasama niya ang kanyang kaibigang si Vice sa susunod na pelikula niya na ipalalabas this year.

Ayon kay Coco, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang proyektong ito para makasabay naman daw siya sa galing ni Vice bilang comedian.

Aniya pa, “Kumbaga sa mga taong hindi pa lubusang nakakakilala sa aming dalawa, kung paano kami naging kaibigan, dito niyo talaga kami makikilala.”

Dagdag pa ng award-winning actor, “Expected na namin (na magiging magaan ang pagtatrabaho namin). Itong movie na ’to, napaka espesyal sa amin kasi ’yung collaboration, nanggaling sa aming dalawa ’yung konsepto.”

Sa tanong kung paano nabuo ang nasabing proyekto, sabi ni Coco, “Isang araw lang, ’Why not?’ Siyempre, ang dami na naming nakasamang artista, nakatrabaho, bakit hindi namin bigyan ng chance.”

Read more...