Pokwang sa love scene nila ng US actor: Grabe, nasarapan ako!

pokwang
“NAKU, huwag na tayong malokohan pa! Talagang na-enjoy ko siya at napaka-memorable sa akin ng ginawa naming ‘yun!” Ito ang prangkang sabi ni Pokwang sa ginawa nilang love scene at halikan ng American actor na si Lee O’Brian para sa pelikulang “Edsa Woolworth”.

Yes, Edsa ang name niya sa movie (kapatid naman niya rito si Boni, being played by gay character actor Ricci Chan) na sinadya raw talaga ng writer ng movie na si Noel

Nuguit para sa kakaibang timpla ng istorya – na umikot sa isang pamilyang namumuhay sa Amerika. Second offering ito ng The Filipino Channel Productions to be released by Star Cinema starting Jan. 14, at bibida nga uli rito si Pokwang bilang si Edsa Woolworth.

Family drama na naman ito pero may twist hinggil sa isang tao na naiipit sa sobrang pagmamahal sa kanyang pamilya at sa taong gusto niyang makasama hanggang sa kanyang pagtanda.

“Challenging, nag-nose bleed nang wagas pero enjoy!” ang bahagi pa ng tsika ni Pokwang sa experience niya sa nasabing movie na kinunan nga sa Amerika.

Makakasama rin sa “Edsa Woolworth” ang US-based nang aktor-TV host na si Lee Robin Salazar, ang mga American actors ngang sina Lee, Stephen Spohn at Prince Saruhan, with Ricci Chan sa direksyon ni John D-Lazatin.

Read more...