Sarah mahal na mahal si Matteo: Hindi niya ako tinatrato na parang basura!

sarah geronimo
“NAIIYAK ako!” ‘Yan ang naibulalas ni Sarah Geronimo nang tanungin kung ano ang komento niya sa laging sinasabi ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na proud na proud ito sa kanya bilang girlfriend.

“Siyempre po, first time na may ganitong tao na ganito ka-proud para sa ‘yo. Naiiyak ako! Kung totoo man ‘yon o hindi, bahala siya. Siyempre, thankful tayo.

“Katulad ng sinasabi ko sa past interview ko, magmahal ka nang totoo. At the end of the day, kung mag-work siya o hindi, basta alam mo sa sarili mo na naging totoo ka sa taong ‘yon,” pahayag ng Pop Princess sa interview ng entertainment media sa kanya kamakailan.

Hirit pa ni Sarah, totoong maligaya siya ngayon sa estado ng kanyang personal life, “Sa totoo lang po, hindi naman ako magde-deny na talagang maganda rin ang naibibigay na epekto sa ‘yo kapag maayos na tao rin ‘yong nakikitungo sa ‘yo.

Yung maayos ang pakikitungo sa ‘yo, hindi ka tinatrato na parang basura or mababa. “Magre-reflect ‘yan sa ‘yo, sa pagkatao mo. I guess, he must be doing something right, ‘di ba po? Hindi man perpekto, pero he must be doing something right,” aniya.

Inamin din ni Sarah na ipinagdarasal niya na sana’y magkaroon din ng happy ever after ang relasyon nila ni Matteo tulad ng naging buhay ng kanyang favorite Disney Princess na si Rapunzel na ginagampanan din niya ngayon sa isang Disney Asia project, “Hopefully po.

Siyempre, hindi natin madi-dictate, hindi natin mape-predict ang future. Kinakailangan lang natin ng hardwork, effort on both ends, at prayer siyempre po. At pagiging considerate din.

“Ire-relate ko kay Rapunzel. Iniisip din niya ang mama niya, mga sinasabi ng tao sa paligid niya. Ayun, kailangan hanapin mo ang balance ng buhay,” sey pa ni Sarah.

Read more...