INABUTAN pa namin si Nadia Montenegro kasama ang kanyang mga anak, kapatid at ang kanyang ina sa TJ’s Bar and Resto diyan sa Q.C.
After a long time, nagpatawag na ng presscon si Nadia para sa mga kasong isinampa niya laban kay Annabelle Rama.
Sa tuwing magkikita kasi kami ni Nadia lagi niyang sinasabi sa amin na isisiwalat niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Annabelle.
Pero hihintayin lang daw niya ang tamang panahon para magsalita at ayaw din kasi niya na makaapekto sa kasong isinampa niya laban kay Annabelle once na magsalita siya sa media.
Isa-isa namang nagpasalamat ang mga anak ni Nadia at dating Caloocan Mayor Boy Asistio sa amin dahil sa lumabas na exclusive pictorial at interbyu nila sa May issue The Buzz Magasin na mabibili na ngayon sa leading supermarkets and bookstores.
Tuwang-tuwa raw ang dating Mayor sa mga pictures ng mga anak niya sa The Buzz Magasin.
Super ku-kyut naman kasi ng mga anak nila ni Nadia even the 14 year old and only boy na si Alexander.
Right after ng pictorial namin kina Nadia sa bahay nila sa Pasig, may shoot kinabukasan si Alexander for a TV commerical para sa isang sikat na fastfood chain.
Sabi ni Nadia sa amin kinailangan pa niyang maghintay ng anim na buwan bago niya sabihin kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Annabelle and her kids.
Sa ngayon we all know na magpa-file si Nadia ng motion for reconsideration para i-reverse ang desisyon sa kasong child abuse na isinampa niya laban kay Annabelle.
“The biggest pain I ever received was when Rama spread very demeaning rumours about my 15-year-old daughter Anykka and 17-year-old daughter Alyana to people through text and verbally.
She spread rumors that Alyanna was raped by her father when she was 10 and Anykka had STD.
“Nagsigawan kami at umiyak ako dahil bakit siya nagkakalat ng ganu’ng balita tungkol sa mga anak ko.
Humingi siya ng tawad sa akin pero hindi siya tumigil sa paninira.
Di lang po puri ng mga anak ko ang sinisira niya kundi pati ang magandang pangalan ng kanilang ama ay sinira rin niya.
“She has continued to malign my daughters, on Twitter, on articles, on TV and the like.
Calling them ugly, trying hard, napilitan lang akong kunin, mga pangit, ang tataba, kleptomaniac, sinungaling and other vulgar words,” sabi ni Nadia sa kanyang official statement.
Nabanggit din ni Nadia ang ginawang pag-iyak ng anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez on TV sa pagkakasali sa isyu ng kanyang anak at dad niya na si Eddie Gutierrez sa away ng kanyang ina at ni Amalia Fuentes.
“Before you cry on national TV saying, ‘Hindi dapat idamay ang mga bata sa mga ganitong problema’, say that to your mother.
Now you know how I feel but 10 times more painful since my children considered you as ‘family.’
“Ruffa said that Eddie is the best dad that anyone can ever have.
‘We’re not gonna allow anyone to ruin his reputation. ‘Di bale na ang mommy ko, kaya naman niya, e.
She’s a fighter. Ako marami na akong pinagdaanan sa buhay ko, but for us, don’t talk about our dad.
Kasi he’s one person na talagang mabait, walang tinatapakan na tao, and he has honor and dignity.’
“But what about my kid’s dad? Who mean the world to his kids?
Who has other daughters to protect them as well who your mother claimed that ‘raped his own daughter many times since she was 10,” saad pa sa official statement ni Nadia.
Sa huli, nagbigay si Nadia ng mensahe para sa buong Guiterrez family, “I just want to enlighten the Gutierrez family that hindi lang po kayo ang may pamilyang nasasaktan, hindi lang po kayo ang may mga anak na dapat protektahan at hindi lang kayo ang may karapatan na ipagtanggol ang sarili, it works both ways.
“And lastly, let me remind you that you still have 14 cases of libel and two cases of unjust vexations to face in court.
And I believe that one of these cases would put Annabelle Rama behind bars and end all her bullying and forever rinse her mouth of the most vulgar words anyone as ever heard.
This is for my kids, my partner Boy, my family and for all the other people who have already been a victim of Annabelle Rama’s wrath.”
Last Friday ay nagkaroon ng exclusive interview si Nadia kay Boy Abunda para sa The Buzz na mapapanood ngayong Linggo.
Kasabay nito, nagsalita na rin daw si Annabelle Rama tungkol sa mga naging pahayag ni Nadia.
Ayon sa report, dinidenay ni Annabelle ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ni Nadia, lalo na ang binanggit nito tungkol sa panghahalay diumano sa anak ng dating aktres ng kanyang sariling ama.
Sinabi raw ni Annabelle na hinding-hindi raw niya masasabi ang ganu’ng bagay.
Puro hearsay lang daw ang lahat ng sinasabi ni Nadia.
Hinamon din nito na maglabas ng witness si Nadia para patunayan ang kanyang mga akusasyon.
Ayon pa sa talent manager, naniniwala siyang pera-pera lang daw ang ugat ng lahat.