Onemig sumugod sa korte para ‘makuha’ ang 2 anak

onemig bundoc
PORMAL nang naghain ng petisyon ang dating matinee idol na si Onemig Bondoc para sa sole custody ng kanyang dalawang anak.

Kasama ang kanyang legal counsel, nag-file ng petition noong Biyernes ng hapon si Onemig sa Quezon City Regional Trial Court.

Ayon sa ulat, gusto ng dating aktor na mapasakanya ang solong pag-aalaga ng dalawang anak nila ng model-actress na si Valerie Bariou.

Hindi lang malinaw kung paano ang arrangement ng dating mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Kung matatandaan, ikinasal si Onemig kay Valerie noong 2009, ngunit nagkahiwalay noong 2014.

Dating Kapuso actor si Onemig na nakilala sa youth-oriented show noon sa GMA na T.G.I.S. kasama sina Angelu de Leon, Ciara Sotto at Bobby Andrews.

Read more...