Walang SSS, Philhealth

GOOD day po. Wish ko sana na mabigyan ng SSS at Philhealth. Noong 1982 pa ako nagtatrabaho bilang tailor pero hanggang ngayon ay wala akong SSS at Philhealth.
Salamat po. — Erlyn, 52, Tacurong, Sultan
Kudarat

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa inyong katanungan na ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa inyong kahilingan na magkaroon ng PhilHealth.

Nais po naming ipabatid na ang mga empleyadong regular, casual, contractor o project base na nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong opisina na mayroong employee-employer relationship ay otomatikong miyembro ng PhilHealth bilang Formal Economy Member, na kung saan ang buwanang kontribusyon ay pinaghahatian ng pantay ng employer at employee base sa buwang kita ng empleyado.

Samantala sa mga indibidwal na walang employer o self-earning professionals gaya ng mga doktor, abogado, inhinyero, arkitekto at iba pa ay maaari pong magparehisto sa ilalim ng Informal Economy Members maging ang mga non-professional individuals gaya ng mga nagtitinda ng balot at taho, mga nagtitinda sa palengke, pedicab at tricycle drivers, small construction workers at home-based industries.

Sa mga magpaparehisto, maaari po silang magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth para magparehistro at magbayad ng kaukulang kontribusyon. Ang kontribusyon po ay P2,400 kada taon para sa kumikita ng hanggang P25,000 kada buwan o P3,600 para sa mga may buwanang kita na higit sa P25,000 kada buwan.
Nawa ay amin pong nabigyang linaw ang inyong mga katanungan. Kung kayo po ay may iba pang nais na malaman sa programa ng PhilHealth maari po kayong tumawag sa (02) 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph at malugod po namin kayong paglilingkuran.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...