‘Magic Mic’ na gamit ni Vice sa trabaho P.5-M ang halaga

VICE GANDA

VICE GANDA

KNOWS n’yo ba na may sariling microphone na ginagamit si Vice Ganda sa kanyang hosting jobs? Yes, at alam n’yo ba kung magkano ang halaga nito?

Inamin ng TV host-comedian na nag-invest talaga siya sa nasabing mic para laging maganda at malinaw ang boses niya sa kanyang mga programa.

Ayon kay Vice ang nasabing mic ay nagkakahalaga ng P500,000 at talagang pinagaganda nito sound quality ng boses ng gumagamit nito. Mas ginaganahan din daw siyang magtrabaho kapag hawak na niya ang nasabing mikropono.

Dagdag pa ng komedyante, normal na raw sa isang performer at host na tulad niya ang mag-invest sa mga high-end microphones para mas ma-appreciate ng mga manonood ang kanilang trabaho.

Sey pa ni Vice, ‘yung iba nga raw ay gumagastos ng hanggang P900,000 sa mga “magic mic”.

Read more...