Lotlot maswerte sa mga anak: Walang problema sa kanila!

lotlot de leon
Nagpasalamat sa amin si Lotlot de Leon noong batiin namin sa pagkakapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival 2014. Hindi talaga in-expect ni Lotlot na mananalo siya for her role as Nieves sa “Kubot: The Aswang Chronicles.”

Later we found out na kung hindi first time, e, pangalawang acting award pa lang ni Lotlot ang Best Supporting Actress trophy niya sa MMFF.

Mukhang 2014 is indeed Lotlot’s year. Bukod kasi sa kanyang career, all is well din sa kanyang mga anak, personally and professionally. Successful sa kanyang career ang panganay niyang si Janine Gutierrez at ngayong taon ay lilipat na sa bago niyang two-bedroom condo unit.

Habang ang pangalawa niyang anak na si Maxene ay nagtatrabaho na rin sa isang malaking department store at varsity player naman sa basketball team sa kilalang university sa bansa ang kanyang bunsong anak na si Diego.

“Korek! Wala akong problema sa kanila. Lahat sila may trabaho. Nagsisipag si Janine. Inaalagaan niya kung ano meron siya ngayon. Sunud-sunod siya (cover sa lifestyle magazines) from January, Feb, March, oo, puro mga cover.

Dati nag-iisip lang ako bilang manager ng anak ko, ‘Sino kaya ang pwedeng makausap para ma-cover ang anak ko sa magazine?’ Ngayon, sila na ang tumatawag ‘di ba? Nakakatuwa,” kwento ni Lotlot.

But when asked kung okey lang ba sa kanya na maging cover sa isang sexy magazine si Janine, huwag daw muna sey ni Lotlot, “Oo, kasi iba ‘yung, hindi pa. Ako muna. Ha-hahahaha!”

Co-manager si Lotlot ng GMA Artist Center kay Janine. But unlike other mommy-manager ng ilang artista, hindi kumukuha ng komisyon niya si Lotlot sa mga raket ni Janine.

Okey lang din kay Lotlot na dalawin si Janine ng boyfriend niyang si Elmo Magalona sa lilipatang condo ng anak.

Read more...