Juday magbubuntis ng kambal: Mas ok nga yun para isang anakan na lang!!! | Bandera

Juday magbubuntis ng kambal: Mas ok nga yun para isang anakan na lang!!!

Julie Bonifacio - January 08, 2015 - 03:00 AM

judy ann santos
AKSIDENTENG nagkita kami ng butihing ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol sa bandang Timog. Looking beautiful and healthy pa rin si Mommy Carol. She’s with her friends na ka-bonding niya during her  past time.

E, kasi ayaw na siyang payagan ni Juday na magtrabaho pa. Gusto kasi ng kanyang bunso na nag-eenjoy na lang ang kanyang mommy at nandiyan kapag gusto niyang maglambing.

At syempre, gusto rin naman ni Mommy Carol na makasama ang kanyang mga apo kay Juday. For sure isa rin si Mommy Carol sa nag-advise kay Juday to have another baby as soon as possible.

Very open naman si Juday sa pagkakaroon ng another baby (or babies) this year hangga’t bata pa siya. And after nito, tigil na raw siya sa pagbubuntis.

Kaya nga wish ni Juday sana raw  kambal na ang next na maging baby nila  para isang hirap na lang siya sa panganganak. Positibo si Juday na kambal ang susunod na ipagbubuntis niya.

Nagtugma rin kasi ang wish niya at hula ng guest nilang psychic sa kanyang show na Bet On Your Baby. Sey ng manghuhula, mabubuntis si Juday at kambal ang isisilang niya.

Samantalang ang hula naman sa kanya na lumabas dito sa BANDERA last Jan. 4, e, isang lalaking sanggol naman daw ang ipagbubuntis niya.

Kadugtong pa ng hula ay may sasabog daw na balitang hiwalay na sila ng mister na si Ryan Agoncillo dahil sa third party. Magaganap daw ito sa buwan ng Pebrero hanggang Mayo.

Pero teka, ano na ba ang latest sa career ni Ryan ngayon? Sa pagkakaalam ko, nasa Eat Bulaga pa rin siya at may isa rin siyang sitcom sa GMA. Ah, basta, meron kaming nakita pero hindi muna namin isusulat.

Siguro kapag dumating na ang tamang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending