‘Bakit CRISTINE, malinis ka ba?’

Nagwawala ang mga showbiz reporter

I READ Cristine Reyes’ text messages sa ate nitong si Ara Mina yesterday. Grabe ang mga pinagsasabi ni Cristine kay Ara sa text – hindi mo masikmura.

Siguro mas makakain ko pa ang panis na pagkain kesa sikmurain ang mga ipinadala niyang text sa ate niya.

Tama yung sinabi ni Ara that she was dying inside with those messages.

It’s truly very painful, at pera lang ang pinag-ugatan, ha! Pera lang.

Nangyayari naman minsan sa isang pamilya ang magkasamaan ng loob, ang magkatampuhan or mag-away.

Pero sana ay si Ara na lang ang tinext niya kung talagang hindi niya mapigilan ang sobrang galit niya pero para ipadala rin ‘yun sa iba pa nilang kapatid and friends, that was indeed so foul. Pinatay na lang sana niya si Ara kaysa binaboy niya nang walang patumangga.

Grabe pala ang hangin ni Cristine sa ulo, ‘no! Hindi lang nakakapanayo ng balahibo, nakakabaliw kamo.

Hindi ko ma-imagine na kaya niyang gawin iyon sa kapatid niya.

Tawagin ba naman niyang pokpok si Ara, sabihang pagalaw nang pagalaw sa iba’t ibang lalaki.

Boba and all. Kahit hayop ay hindi kayang sikmurain ang mga pinagsasabing iyon ni Cristine sa ate niya.

Tao pa ba ito? Kung tao siya, kahit konting pakiramdam naman siguro ay meron siya pero para siyang bakal na walang feelings.

Not even the worst spoiled brat ay di kayang magsalita ng ganoon, much more sa kapatid mo na nagpaaral sa iyo – bumuhay sa pamilya ninyo at siyang naging instrumento sa pinasok niyang propesyon na nakatulong para siya magkaroon ngayon.

Nakalimutan na ba niya lahat iyon? The height of kawalang-utang na loob na iyon.

The height of kabastusan. Nagkapera lang ng konti at nagkapangalan nang maliit, nag-feeling na. Kaloka!

Anyway, na-hurt lang ako sa sinabi ni Cristine na “cheap” ang mga reporters na malapit sa ate Ara niya.

I felt for my anak-anakang si Leo Bukas (Ara’s publicist and friend) na napakabait at sobrang mahal ko.

Hindi lang alam nitong si Cristine na kahit ganoon pala ang tingin niya sa kaibigan naming si Leo, it was Leo who helped her silently para mapalapit siya sa amin.

Pinagmamalaki at pinagtatanggol siya sa amin ni Leo everytime we hear bad talks about her.

Kasi nga, inisip ni Leo na kapatid ito ng kanyang kaibigang si Ara kaya pinagmamalasakitan niya.

‘Tapos, iyon lang pala ang napala ni Leo for defending her to us. Bastos ka, Cristine! Wala ka talagang utang na loob.

Nagtatrabaho lang naman si Leo and our likes para makatulong sa inyong mga artista tapos iyon pa ang mahihita niya.

Bakit, binayaran mo ba si Leo para yurakan mo lang ang pagkatao niya?

Kahit pa halimbawa’y bayaran mo siya ay wala kang karapatan para bastusin ang pagkatao niya.

Kungsabagay, kung nagagawa nga niyang babuyin ang ate niya, much more ang mga taong hindi naman niya kaanu-ano.

Dapat sa babaeng ito’y ibitin ng patiwarik para malaman niya kung alin ang tama o mali.

Itong ginawa niya sa ate niya ay patunay lamang na wala talaga siyang pinag-aralan, na wala siyang kuwentang kapatid, at walang kuwentang tao.

Mahal namin si Ara and we’d like her to know that.

Kahit magbati man sila one day ni Cristine, sisiguraduhin naming hindi na namin siya tutulungan.

Hindi naman siguro magsasampa ng demanda si Ara laban sa kanya kung hindi siya siguradong galing talaga kay Cristine ang mga mensaheng iyon, ‘no! Ara should know better.

Kaya kung ako kay Cristine, mag-early retirement na siya sa showbiz dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa publiko after what happened.

Siya kaya, ano ang tingin niya sa sarili niya, matayog? Malinis?

Leo Bukas and the other members of the press deserve a decent apology from this woman.

Kailangang manghingi siya ng paumanhin lalo na kay Leo Bukas, other than her sister.

Isang maliwanag na kabastusan at kawalan ng utang na loob sa industriya itong ginawa ni Cristine. She sets a bad example to the world. Agree or disagree?

Read more...