Kasalang Heart-Chiz tinitipid daw: Wag tayong maglokohan!

chiz escudero
NAKAKATAWA ang mga pa-sympathize effect ng kampo nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista tungkol sa nalalapit nilang wedding sa Feb. 15, 2015 sa Balesin.

Pinalulutang kasi nilang sobrang tipid ang kanilang kasalan na alam naman nating lahat na isang malaking kalokohan. Anong tipid ang pinagsasabi nila?

Unang-una, mahal ang Balesin and to get there ay kailangan mo pang sumakay ng chartered flight. Then, ang reception nila ay sa Manila pa – meaning, after ng kasalan ay kailangang mag-fly out sila ulit ng Balesin to catch the reception sa Manila. Doble-gastos actually iyon.

At sinong may sabing isang malaking pagtitipid ang magpagawa ng dalawang gowns from two international designers – Monique Lhuillier ng Hollywood and Ezra of Dubai – parehong topnotch fashion designers ang mga ito, thousands of dollars ang halaga ng mga gowns ng mga ito – iyon ba ang tipid?

Ang narinig ko lang na pagtitipid nila, ayon na rin sa mga nasulat, ay ang in-order nilang mga bulaklak para sa ceremony sa Balesin na siya ring gusto ni Chiz na gamitin sa reception para hindi na sila bumili ulit.

Kasi nga dahil Valentine week naman nag-fall ang kasalan, mahal ang mga bulaklak. Iyon,  doon siguro nila ibinase ang tipid-echos nila. Isang malaking kalokohan, di ba? Big deal na sa kanila iyon para i-publicize.

Ang gauge siguro nila ng pagtitipid ay ang pagkukumpara sa gagastusin nila sa ginastos ng recent wedding nina Marian Rivera and Dingdong Dantes. Iba naman yung kina Dingdong at Marian – hindi sila dapat nakikipagkumpetensiya roon, hindi nila dapat ibinabase ang kanilang eksena sa wedding ng dalawang Kapuso stars. Theirs is different.

Hindi contest ito sa kung sino ang mas malaki ang ginastos. That’s very stupid. Pero huwag nila tayong paniwalaing tipid itong kasal nila – isang malaking kasinungalingan iyon. Isang malaking panlilinlang iyon.

Alam natin kung alin ang tipid na kasal at yung hindi. Huwag na nga silang magpa-cute dahil hindi bagay sa kanila. Huwag silang pa-sympathy effect dahil nobody buys that. Funny indeed! Mga echoserong frogs din pala ang dalawang ito, e?

A Balesin wedding with matching chartered flights – Monique Lhuillier and Ezra gowns – a Manila reception, iyan ba ang nagtitipid? Huwag niyo kaming ululin dahil hindi naman kami ipinanganak kahapon.

Tama ang sinasabi ng ilan naming nakakausap na baka nga strategy lang ito nina Chiz para hindi siya makuwestiyon ng mga kalaban niya sa politika.

Sigurado kasing titirahin siya ng kanyang mga detractors kapag nalaman ng buong mundo kung gaano kalaki ang ginastos nila ni Heart sa kanilang kasal.

Hindi nga naman magandang tingnan sa isang public servant na sa gitna ng kahirapan ng bayan ay gagastos sila nang milyun-milyon para sa kasal.

Jay, naku, kung sa tingin nina Chiz at Heart ay pagtitipid na ang ginagawa nila, ano na lang yung sa mga normal na kasalan na nagbabayad lamang ng P250/plate sa reception sa isang resto? Mga baliw, di ba? Dios mio perdon!

Read more...