Among babae nananakit kapag nagseselos

HUMIHINGI ng tulong sa Bantay OCW si Rene Amancio ng Bohol.

Ayon sa kaniya, buwan ng Agosto 2014 nang magtungo sa Jeddah ang kaniyang asawang sirGrace at nagtrabaho doon bilang domestic helper.

Kwento niya, madalas pagselosan si Grace ng kaniyang among babae. Kaya’t bantay sarado ito ng among Arabiana.

Bawat galaw  ni Grace ay sinusundan ni misis.

At di nagustuhan ang trabaho ng OFW ay pagbubuhatan na siya  ng kamay.  Bukod sa pananakit, hindi rin daw ito pinasusuweldo.

Kung kaya’t pakiusap ni Rene na pauwiin na lang ang misis sa Pilipinas at hinding-hindi na niya papayagan itong umalis pang muli.

Hinihintay na lamang ng Bantay OCW ang positibong aksyon ng ating konsulado mula sa Jeddah, K.S.A.

Unang lumapit sa Bantay OCW si Honorato Madla ng Nueva Ecija hinggil sa anak na minamaltrato sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Verna Madla Jacinto, binuhusan siya ng mainit na tubig ng kanyang amo.  Palaging minamaltrato at  labis-labis pa  ang oras ng kaniyang pagtatrabaho.

Hindi rin anya siya pinakakain ng maayos.  Tinapay lang ang kanyang pagkain sa buong maghapon.

Kaya naman katuwang ang pinagsanib na puwersa ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ay mabilis natugunan ni Labor Attache Resty dela Fuente ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Philippine Embassy sa Riyadh, K.S.A. ang problema ni Madla.

Muli naming nakausap on the air  sa Radyo Inquirer si G. Madla at ang anak nito  na nakauwi sa bansa nitong nakaraang Disyembre 27.

Masayang-masayang nagpasalamat ang mag-ama.  Kwento pa ni Verna inayos na rin ng ating POLO ang kanyang kukuning sweldo upang hindi na siya mamroblemang maghabol pa sa kaniyang ahensiya.
Wala na ‘anyang mahihiling pa ang kanilang pamilya dahil kumpleto sila ngayong Bagong Taon.
sa pagtatapos ng taon.

Read more...