Sharon mataba pa rin; muling inatake ng sobrang depresyon

SHARON CUNETA

SHARON CUNETA

Maraming nabigo na makita si Sharon Cuneta sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. ‘Yun kasi ang kumalat na kuwento mula nang mapabalitang ginagawa na ng Megastar ang lahat ng paraan para makapagbawas siya ng timbang.

Ang unang paglabas daw niya ay magaganap sa kasal nina Dingdong at Marian kung saan isa siya sa mga tumatayong ninang. Pero wala siya du’n, kahit anino lang ng aktres ay hindi nakita sa kasalan, kaya maraming nagpalagay na hindi pa siya handang magpakita sa publiko.

Ang unang ibinigay na dahilan ay ang matinding depresyon pa rin ni Sharon sa pagkawala ng kanyang dakilang ina, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya matanggap ang pagiging ulilang-lubos na, at ang ikalawang dahilan nga na pinagpipistahan pa hanggang ngayon ay ang hindi pa rin niya matagumpay na pagbabawas ng timbang.

Malaki pa rin daw kasi ang actress-singer, parang wala namang nabawas sa mabigat niyang timbang, nasilip ‘yun ng mga usisero sa isang video na kinunan ni KC Concepcion sa isang pagtitipon ng pamilya.

Alam naming hindi maligaya si Sharon kapag wala siyang ginagawa, mahal na mahal ng Megastar ang kanyang propesyon, gusto niyang magtrabaho palagi dahil ‘yun na ang mundong binigyan niya ng atensiyon mula nu’ng bata pa siya.

May babalikan pa rin si Sharon Cuneta. Ang isang tulad niya na nagmarka na sa industriya ay palaging may babalikang posisyon sa puso ng publikong sumuporta sa kanya.

Ang tanong na lang ay kung kailan siya magpapakita.

Read more...