Kathryn, Daniel mukhang pera raw; sayang ang bayad sa show

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

ONE Pinay fan was fuming mad. Galit na galit ito dahil ang feeling niya ay na-shortchange siya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

The fan knew how to get attention. She posted her sentiment on her Instagram account which made its way to a popular website.

The female fan was seething with anger kasi hindi natupad ang inaasahan niya at ng iba pang laksa-laksang KathNiel fans.

Unang-una, nagbayad sila ng 95 euros at naghintay ng pagkatagal-tagal sa pila. The door of the venue was supposed to open at 12 noon pero 2 p.m. na ito nagbukas. Then, kumanta raw sina Daniel at Kathryn pero lipsynch pa.

As if it was not enough, after 30 minutes pa lang ng meet and greet ay bigla raw raw nag-walkout sina Kath and Daniel.

Say pa ng disappointed fan, ang meet and greet ay dapat merong autograph signing at picture-taking with the celebrities. Nasaan na raw ‘yung pangako ng dalawa na may picture-taking sa mga bumili ng CDs nila?

Ang nakakaloka pa, merong fans na nagdala pa ng cake para sa mommy ni Kathryn na si Min pero ni hindi man lang ito pinahalagahan ng young actress at mommy nito. Ni hindi man lang daw nag-effort na tingnan, tikman at kunin ang cake.

Ang masakit, pinaratangan ng female fan na pera lang ang habol nina Daniel at Kathryn. Siniguro pa nitong kung magkakaroon ng concert next year sa Milan ay wala nang manonood sa dalawa. Ipinamukha rin niya na kung walang fans ay wala ring KathNiel.

“I can only imagine the disappointment of the fans. Kawawa naman. Kathniel, be considerate naman. Just because mayaman na kayo at sikat, you have no right to do that to your fans! Tandaan nyo, wala kayo sa kinalalagyan nyo kung hindi dahil sa mga fans! Deliver what you promised!

“Hard earned money ang pinambili sa mga tickets! Wala kayo pinag iba sa mga corrupt officials who take away taxpayers money! – fan na galit na galit dahil nabiktima rin dati,” said one guy.

“Ang lesson dito ay wag masyado magpaka-tard dahil in the end, hindi kayo ganun kahalaga sa mga iniidolo niyo. Sa dami niyo ba namang tard ewan ko na lang kung mabigyan kayo ng individual photo-op,” pakutyang sabi naman ng isa pang fan.

Pero there are those who defended Kath and Daniel. “I was in the show too.. i don’t think that we should blame it on kathniel.. it’s the managemt that sets their rules,” chika naman ng isa.

“Utos ng organizers yan. The last time na nag out of the country sila pumayag si DJ magpapic sa isang fan kaya ayon pinagalitan sya,” revealed one guy naman.

We felt that Daniel and Kathryn are not to blame on this brouhaha. Ang nagpapatakbo ng show ang may final say sa kung paano ang mangyayari sa palabas.

Blame the producers and not the artists. Sila ang sabuyan ninyo ng asido dahil sila ang nag-shortchange sa inyo, at hindi sina Daniel at Kathryn ‘no!!!

Read more...