Jake Ejercito pinaghihinalaang tunay na tatay ng anak ni Andi

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

AYAW naming isiping hindi pala kaya ni Jake Ejercito na makitang may ibang lalaking kasama na ngayon ang ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Pumutok na kasi ang balitang hiwalay na sila ng babaeng pinagselosan nang matindi ni Andi, ang non-showbiz girl named KC del Rosario.

Kakasulat lang namin dito sa BANDERA na may relasyon na sina Andi at Bret Jackson , ayon na rin sa ilang mga nakakakilala sa kanila. Ito’y sa kabila nga ng pagtanggi ng dalawa kapag naiinterbyu ng press.

Pero ayon sa balita, ito ang dahilan kung bakit hiniwalayan na ni Jake si Andi, hindi na niya makayanan ang matinding selos sa dating PBB housemate.

Balitang sobrang nasaktan si KC sa pang-iiwan sa kanya ni Jake kaya naglabas ito ng sama ng loob sa social media na nabasa naman ng maraming followers nina Andi at Jake.

Anyway, naalala namin ang sinulat namin kahapon na pinaghihinalaang si Jake ang ama ng anak ni Andi na si Ellie dahil kamukha raw niya ang bagets. Ang advice naman namin, ipa-DNA test na lang ang bata para magkaalaman na.

May tanong lang kami, wala bang ibang pinagkakaabalahan si Jake at puro babae na lang ang nasusulat tungkol sa kanya?

Hindi naman artista si Jake pero daig pa niya ang mga sikat na celebrity  dahil halos araw-araw ay may nasusulat sa kanya o sa mga babaeng nauugnay sa kanya.

Read more...