Pasaway na ‘shooter’ isapubliko | Bandera

Pasaway na ‘shooter’ isapubliko

Jake Maderazo - January 06, 2015 - 12:41 PM

LIMAMPUT anim na insidente ng stray bullets at “indiscriminate firing” ang naitala nitong nakaraang pagsalubong ng bagong taon ng PNP, halos doble sa 30 insidente na naitala noong 2014.

Isang 11-anyos na  Grade 4 pupil na si  Jercy Decym Buenafe Tabaday ng Tayum, Abra ang namatay  matapos tamaan sa bungo ng balang galing sa kalibre 45.

Hindi pa rin matukoy kung sino ang salarin sa kanyang kaso.

Isa pang 13-anyos na batang babae na  kapitbahay ni Stephanie Nicole Ella sa Caloocan ang tinamaan din ng ligaw na bala sa ulo at matapos maging kritikal ang kundisyon, nagpapagaling na siya ngayon sa East Avenue Medical Center.

Si Ella ay nasawi noong pagsalubong sa 2014 dahil din sa ligaw na bala.  Hindi pa rin natutukoy at nahuhuli ang salarin na pumatay sa bata.

Isang buntis na nakilala namang  si Maricel Luna ng San Jose, Batangas at 7-years old na si Isaac Ruda  ang sugatan  nang mamaril ang jail guard na si Mario Cortes.

Meron pang kumalat na video at mga photos sa social media ng mga binatilong nagpapaputok ng ibat ibang dekalibreng baril na parang tuwang tuwa pa ang mga loko.

Batay sa huling impormasyon, merong  apat na pulis, isang sundalo ng Philippine Army, apat na security guards at tatlong sibilyan ang inaresto sa ibat ibang lugar sa bansa dahil  nahuli sa aktong pagpapaputok ng kanilang mga baril.

Sa tingin ko, dapat

isapubliko ang mga mukha nitong 12 stray bullet shooters na ito sa dyaryo, telebisyon at sa social media para magsilbing leksyon sa mga katulad nila.
Mukhang hindi natatakot ang mga namamaril na ito lalo’t alam nilang hirap na hirap ang otoridad na sila’y matukoy at mahagilap.

Tingnan ninyo ang nangyari sa kaso ni Ella. Walang nahuli. Boom panes, waley sabi nga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga, PNP Deputy Director General Leonardo Espina, paki-labas na ang record  kasama ang “litrato” nitong 12 arestado sa stray bullets nang  magkaalaman na. At hulihin din ninyo agad agad  iyong mga binatilyong namaril noong Bagong Taon  na nag-viral pa sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending