Vhong may trauma pa rin kina Cedric at Deniece

vhong navarro
Sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime nag-celebrate kahapon ng kanyang 38th birthday ang TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Kitang-kita sa aura ni Vhong ngayon ang kaligayahan at contentment, hindi na namin makita sa kanya ang pag-aalala o takot dahil sa mga pagsubok na hinarap niya noong nakaraang taon.

Sa isang interview sa komedyante, inamin nitong may trauma pa rin siya sa ginawang pambubugbog at pambababoy sa kanya ng grupo ni Cedric Lee pero mas payapa na raw ngayon ang kanyang kalooban.

Pero siyempre, kailangan pa rin niyang mag-ingat lalo na ngayong pansamantalang nakalalaya ang mga taong ipinakulong niya noon.

Para naman sa kanyang birthday wish, “Sana lang good health kasama ang mga mahal ko sa buhay.” Dugtong pa ni Vhong, “Of course, tayong lahat, sana ang 2015 ay maganda sa Showtime, kasi yung 2014 ay masyadong madami tayong pinagdaanang pagsubo.

Sana itong 2015 na tatahakin natin ay maging maayos na sana.”  “Basta nandito lang ako para pasayahin kayong lahat I love you all,” hirit pa ng Showtime host.

Read more...