Andi, Bret magdyowa na, matagal nang nagsasama sa isang bahay?

bret jackson
Aware kaya sina Andi Eigenmann at Bret Jackson na walang naniniwala sa sinasabi nilang magkaibigan lang sila though aminado naman ang huli na may gusto siya sa aktres?

Nasulat namin dito na may nagtsika sa amin na hindi totoong magkaibigan lang ang dalawa dahil sa bahay na raw ni Andi nakatira si Bret, kaya marami ang nag-speculate na magka-live-in na sila?

Anyway, may nakausap kaming mga kasamahan sa panulat at nabanggit nga namin ang tungkol sa relasyon nina Andi at Bret lalo na’t nag-post pa sila sa kanilang Instagram kung paano nila sinalubong ang bagong taon.

Ang kaswal na sagot sa amin, “Parang wala namang naniniwala sa kanila (Andi at Bret).” Ha-hahaha! Oo nga naman. Nagsawa na rin sa mga kaek-ekan ni Andi ang mga tao kaya siguro iniwan na rin siya nang tuluyan ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.

At higit sa lahat, ako lang ang pumatol sa isyu nila ngayon. Kalurkey! Anyway, maraming nakapansin na nakakahawig na raw ni Jake ang anak ni Andi na si Ellie? Lalo na pang tumingin daw ang bagets.

Baka kasi si Jake ang napaglihian ni Andi nu’ng kasalukuyang ipinagbubuntis niya ang anak bukod pa na lagi silang magkasama noon. Gusto kasing palabasin ng iba na baka raw si Jake talaga ang tatay ng anak ni Andi.

Read more...