PNoy’s love life: Mas bata naman sana kung pwede

noynoy aquino

MULING nagsalita si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa kanyang lovelife matapos ang panayam sa kanya ni Vice Ganda kung saan sinabi niyang mas gusto niya ang mas bata sa kanya.

“Mas bata naman sana kung pwede para mayroon pa kayong pag-asang magkaanak,” sabi ni Aquino nang tanungin ni Vice para sa kanyang programang Gandang Gabi Vice na inere noong Linggo ng gabi.

Tumanggi namang sagutin ni Aquino kung may nililigawan siya ngayon sa pagsasabing nais na lamang muna niya itong maging pribado.

“Importante raw may tinatago tayong konti. Itago ko muna sa sarili ko ‘yon,” ayon pa kay Aquino. Inamin naman ni Aquino na maraming buwan na ang nakakaraan nang siya ay magkaroon ng kasintahan.

Kasabay nito, sinabi ni Aquino na hindi niya naranasang haranahin ang mga babaeng niligawan niya.

Read more...