Aiko ayaw nang mabuntis: Sayang ang pagpapapayat ko!

jomari yllana aiko

SUCCESSFUL ang “first major concert” ng aktres na si Aiko Melendez kasabay ng  kanyang 39th birthday last Dec. 16. Kumpleto ang kanyang pamilya mula sa kanyang ina na si Mommy Elsie hanggang sa kanyang mga anak na sina Andrei at Martina, pati na ang kanyang mga kaibigan.

“Major concert talaga? Ha-hahaha! Happy naman kasi lahat ng taong gusto kong makita dumating and mostly my friends. Kasi talagang nagkaalaman kung sino ‘yung mga kaibigan talaga,” lahad ni Aiko.

Special guests niya sa kanyang show ang ex-hubby niya na si Jomari Yllana at kaibigang si Richard Gomez. ‘Yung presence raw ni Jomari ang mismong gift niya kay Aiko. “Oo, kasi hindi niya ako siningil ng TF niya sa show,” ngiti ni Aiko.

Hopefully, natupad ang birthday wish ni Aiko na tapusin na lahat ng dapat niyang tapusin na problema bago matapos ang 2014.
After ng madramang role niya sa Give Love on Christmas Presents The Gift Giver, nagsimula na rin siyang mag-taping para sa bago niyang show sa ABS-CBN  noong Jan. 3.

Ayaw sabihin ni Aiko ang title ng bago niyang show kaya kami na ang nagsabi sa kanya.  “Hindi ko pa pwedeng sabihin ang title ng soap ko na susunod, e. Alam ninyo na? Bawal pa raw. Basta ako ‘yung lead villain,” tsika niya.

Bumawi ng pahinga si Aiko noong Kapaskuhan. Naging super busy kasi siya sa taping ng The Gift Giver at sa kanyang birthday show.  And after Gift Giver, nag-taping pa siya para sa Christmas episode ng Maalaala Mo Kaya kasama si Xyriel Manabat na ipinalabas noong Dec. 20.

“Ako ang mommy ni Xyriel tapos meron siyang sickness of progeria. May sakit siya na tumatanda. Mga six to eight times ng edad niya. So, she’s parang older than me sa episode.

She’s about 96 years old. Sobrang drama yun.  Sabi nga nila, ako raw ‘yung MMK Queen,” pahayag niya. Binanggit din namin kay Aiko ang mga sinabi ni Jomari sa amin tungkol sa relasyon nila ngayon.

Para kay Jomari, words that best describe their relationship right now ay mga “‘katulong sa buhay.” “Yeah, kasi we have each other like you know, he races, he needs support, I’m there, so, it’s vice versa.

And we don’t want to complicate things now. If we get back together kasi there’s too much complication. So, I think it’s better left this way. If God, you know, kami talaga ‘yung meant for each other till the end, then I think God will find a way.”

Ay, paano na ang wish niya na  magka-baby ngayong taon? “Ah, wala, kasi nag-change ‘yung mind ko mga a week ago. Parang sabi ko, sayang naman ‘yung pinaghirapan kong figure tapos mag-aanak lang ako, ‘di ba? Saka gusto kong i-focus muna sa work.

Wala munang anak, work muna,” diin niya. Work muna Aiks, ayaw ni Bettina Aspillaga at Backroom. Ha-hahaha! Speaking of Backroom, bongga ang nakaraang Christmas party nila na ginanap sa Village Patio sa 185 Maginhawa St. Diliman, Q.C. noong Dec. 18. Continuation din  daw  ng 25th anniversary celebration nila ang kanilang Christmas party.

The party began with a Thanksgiving Mass officiated by Reverend Fr. Allan Samonte. After dinner, nagpa-parlor games na sila at nagpa-videoke singing contest.

Winner si Junnel Manansala na isang Backroom artist at member ng NYOBG. Second place si Jamie Almario at third place si Philip Rojas ni Kuya Boy Abunda.

Syempre, ‘di mawawala ang raffle at exchange gifts. Pati mga guest nila isinali rin sa raffle, huh. Kaya talagang everybody happy and Backroom is now optimistic for a more blessed and brighter 2015.

Read more...