Daniel biglang nag-mature, mas tumindi pa ang kamandag

daniel padilla

NAPAKINGGAN at napanood namin ang music video ni Daniel Padilla while singing “Pangako Sa ‘Yo” at lubos kaming humanga sa simple pero kakaibang bersyon ng binata.

Napaka-iconic ng naturang kanta at marami na rin ang umawit nitong mga professional  singers, pero sasabihin naming sa henerasyong ito ay kering-keri ni Daniel na muling pakiligin ang sambayanan sa pamamagitan ng nasabing kanta.

Mas mature, mas lumabas ang ganda ng boses ni Daniel at ramdam mong inspired at may pinaghuhugutan na ng emosyon ang binatang aktor, na lalo pang gumuwapo at mas tumangkad pa ngayon.

Napakasimple ng naturang music video pero malakas ang dating lalo na sa mga nag-aabang ng remake ng sikat na sikat ding teleserye noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Sa naturang music video, bukod tanging pictures lang nina Daniel at Kathryn Bernardo ang karamihan sa ginamit na visuals, pero yun na…alam mong sa kiligan ka na dadalhin.

Indeed, napakalaki at napaka-importante ngang proyekto sa tambalang Kathniel ang Pangako Sa’yo.

Read more...