TRUE kaya na nagli-live-in na ang magdyowang Derek Ramsay at Angelica Panganiban? May nakarating kasi sa aming tsika na sa iisang bahay na umuuwi ang dalawa at behaving like husband and wife na raw ang mga ito.
Me gano’n? Say sa amin, sa isang bahay sa South daw nakatira sina Derek at Angelica. Kaya nga raw masayang-masaya ngayon si Derek dahil asikasung-asikaso raw siya ng kanyang partner.
Well, choice naman nila iyon. Anyway, mukhang magkasundung-magkasundo naman ang dalawa at matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon. At malalaki na rin sila at siguradong alam na nila kung ano ang pinasok nilang commitment.
And we’ve heard Derek saying na talagang inaayos na nila ni Angelica ang kanyang future, at ang paglipat niya sa TV5 from ABS-CBN is one move na kailangan niyang gawin para na rin sa magandang kinabukasan nila ng kanyang girlfriend.
Feeling nga namin ay sila ang talagang magkakatuluyan dahil talaga namang they’re perfect for each other. Kasal na lang talaga ang kulang. Pero malay natin, baka nga kasal na ang dalawa at ayaw lang nila itong ibandera sa publiko? — Alex Brosas