KC, Paulo mag-asawa na agad

paulo avelino
Sa Lunes na magsisimula ang pinakaaabangang Christmas mini-serye nina Paulo Avelino at KC Concepcion, ang Exchange Gift bago mag-It’s Showtime.

Ito ang huling handog ng Give Love On Christmas na papalit sa nagtapos nang The Gift Of Life nina Maja Salvador at Gerald Anderson.

Panibagong kwento ng pag-ibig ang matutunghayan sa pagsisimula ng Exchange Gift – iikot ang kuwento ng Give Love on Christmas Presents Exchange Gift sa buhay nina Christian at Anna (Paulo at KC), ang mag-asawang pagtatagpuin ng pag-ibig at tadhana, ngunit pilit na paghihiwalayin ng kanilang mga pagkakaiba at patong-patong na problema.

Kayo na ang humusga kung may magic nga on screen ang rumored couple.

Read more...