Erap sa pagbabati nila ni Ate Guy: Sorry siya nang sorry sa ginawa niya sa akin!

nora aunor

BAGO matapos ang 2014 ay nagkaroon kami ng chance na makadaupang-palad ang former President and now Manila Mayor na si Joseph Estrada sa kanyang opisina sa Manila City Hall.

Ang kanyang tapat na Vice Mayor na si Isko Moreno ang naghatid sa amin kasama ang grupo ng Philippine Movie Press Club carolers kay Mayor Erap. Every year ay nangangaroling ang PMPC kay Vice Mayor Isko but this the first time na siya pa mismo ang naghatid sa amin sa kanyang President-Mayor (tawag ni Isko kay Erap).

Knows naman ng marami na hindi maganda ang relasyon noon ni Isko sa kanyang former predecessors na mga mayor dati ng Maynila. Napatunayan naman niya ang dahilan ng pagkadisgusto niya sa former mayors ng Maynila gaya ng mga iniwang utang sa kuryente at kung anu-ano pa.

Sa pamumuno raw ni Mayor Erap ay napakalaki na ng halagang nabayaran nila mula sa pagkakautang sa kuryente at iba pang bayarin ng Maynila. Hindi nga nagkamali si Isko sa kanyang sinuportahang Mayor.

Hindi rin namomroblema si Isko kung tumakbo ulit for second term si Erap sa Maynila. Naniniwala siya na darating din ang time for him na maging Mayor ng Maynila.

Very much aware si Isko na marami pa siyang panahon para matupad ang isa sa mga pangarap niya na maging alkalde.
Last term na ni vice sa kanyang posisyon ngayon sa Maynila. Hindi man siya tumakbo bilang Mayor ng Maynila, definitely, he will still run sa 2016 election.

Pwede rin kasi siyang tumakbo bilang Congressman or Senador sa susunod na halalan. Namula nga si Isko nu’ng paupuin siya ni Mayor Erap sa kanyang table habang may gagawin siya sa kanyang private room sa loob ng kanyang office sa Manila City Hall.

Biro nga ng mga manunulat, ‘yun na ang senyales na siya na ang susunod na Mayor ng Maynila. Medyo sad lang si Erap na pag-usapan ang kasakuluyang state ng movie industry.

Malayung-malayo nga raw noong panahon nila ni FPJ. Noon ay mahigit 300 films ang naipalalabas sa mga sinehan every year. Pero ngayon, 40 plus na lang daw. Kaya maraming artista, crew and directors ang walang trabaho.

Sa TV na nga lang daw napapanood ang mga artista ngayon. Kaya nga, mas maraming TV stars ngayon kesa movie stars. ‘Yung ibang artista naman ay nasa politika gaya raw nila ni Isko na naglilingkod sa bayan.

Anyway, parang pelikula ni Mayor Erap ang ipinanood sa amin na short AVP ng accomplishments niya sa Maynila. At doon nabanggit ang movie nila ni Nora Aunor na “Erap is My Guy.”

Dito na napasok ang isyu ng kapatawaran between him and Nora. Napatawad na raw niya ang Superstar nu’ng magkaroon ng reunion ang mga veteran stars  sa Sampaguita kamakailan.

“Sorry siya ng sorry sa ginawa niya sa akin sa EDSA Dos,” sambit ni Erap. At bilang Kristiyano, sinunod lang daw niya ‘yung sinasabi sa “The Lord’s Prayer.”

“Forgive our sins as we forgive those who sin against us.  Dati forgive our trespasses as we forgive those who trespass against us.  Put it into practice. Dasal kayo ng dasal, hindi ninyo naman ginagawa, ‘di ba,” sabi ni Erap.

Read more...