Dapat sigurong bigyan ng bonus ni Robin Padilla ang pamangkin na si Daniel dahil very obvious na malaki ang naiambag nito sa MMFF entry nilang “Bonifacio”.
Unti-unti nang umaariba ang pelikula dahil malapit na raw itong umabot sa P100-million mark after it won several awards sa MMFF 2014. Pero ayon sa ilang nakausap namin, si Daniel talaga ang humatak pataas ng pelikula.
Agree naman kami kapatid na Ervin dahil noong time na nanood kami ng “Bonifacio” talagang puro kabataan at estudyante ang nakasabay namin.
Bongga nga ang naisipan ni Robin na ikunek sa young generation ang approach ng “Bonifacio” dahil isa talaga ito sa naging bentahe ng pelikula sa manonood.
With barely three days to go bago mag-end ang MMFF, sana nga ay mas dumami pa ang makaka-appreciate ng naturang MMFF entry.
However, sa teaser na ipinapakita ng ABS-CBN para sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel at Kathryn Bernardo, mukhang ready na ang magka-loveteam sa more mature roles.