Enrique Gil, Liza Soberano naka-jackpot sa Forevermore

enrique gil
Apektado ang maraming viewers ng top-rating kilig-serye ng ABS-CBN na Forevermore nang mistulang sunod-sunod na pagsubok ang pinagdaanan ng karakter ni Liza Soberano na si Agnes bilang chambermaid sa Grande Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nina Xander (ginagampanan ni Enrique Gil).

Patunay dito ang mabilis na pagiging trending topic sa Twitter ng “Agnes” at ng official hashtag ng programa noong Monday (Dec. 29) na “#ForevermoreTheChallenge.”

Ito ay dahil sa pagbuhos ng tweets ng viewers at netizens kaugnay ng pamamahiyang dinanas ni Agnes sa kamay ng ina ni Xander na si Bettina (Lilet) at ng VIP guest sa hotel na si Steph (Marina Benipayo).

Higit na nalungkot ang maraming netizens at nakisimpatiya sa kalungkutan ni Agnes matapos nitong aksidenteng matapunan ng hot choco si Steph. Mangiyak-ngiyak si Agnes sa kahihiyang naganap sa harap mismo ng lola ni Xander na si Doña Soledad (Marissa Delgado) at pinsan nitong si Julius (Kit Thompson).

Dahil sa mga nangyari, susukuan na ba ni Agnes ang kanyang pangarap na makapagtapos o mas patatatagin siya ng mga ito? Paano babawi si Xander kay Agnes lalo na’t wala siya sa tabi nito sa oras na pinakakailangan niya?

Damhin ang saya at pait ng unang pag-ibig sa Forevermore, gabi-gabi, pagkatapos ng Dream Dad sa ABS-CBN Primetime Bida.
In fairness, talagang kahit saan kami pumunta ngayon, ang love story nina Agnes at Xander ang pinag-uusapan.

Karamihan pa nga sa kanila ay nagbabalak pang pumunta sa Benguet para raw madalaw nila ang location ng Forevermore na nagiging tourist attraction na rin sa nasabing probinsiya.

Ganyan kalakas ang impact ng Forevermore nina Enrique at Liza sa madlang pipol!

Read more...