Giant Wedding cake nina Marian at Dingdong pinag-uusapan sa USA, UK
HINDI lang sa Pilipinas pinag-usapan nang bonggang-bongga ang engrandeng kasal ng GMA Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Agaw-eksena rin kasi ang giant wedding case ng bagong kasal. Imagine, talagang nai-feature pa ito sa iba’t ibang foreign news outlets!? At talagang manghang-mangha ang mga foreigner na nakapanood nito.
Ang nasabing cake na regalo ng isang food chain na ine-endorse ni Dingdong ay may taas na 12-foot at may bigat na 120 kilos. At tulad ng wedding gown ni Marian, tinadtad din ang nasabing case ng Swarovski crystals “and was 3D-mapped for projected CG effects.”
Ipinalabas ito sa isang segment ng World News Now, isang news program ng ABC News sa Amerika. Ayon sa an chor ng nasabing programa, “it may have beaten the Guinness record set in New England, USA for the world’s largest cake at six tons in 2004.”
Bukod dito, gumawa rin ng news item ang ABC News tungkol dito, pati na rin ang Mirror ng United Kingdom. Ginamit pa nito ang viral photo kung saan binubuhat ng ilang katao ang nasabing cake papasok sa SM MOA Arena kung saan ginanap ang reception ng tinaguriang “royal wedding”.
“A picture of a five-tiered wedding cake standing over six-feet tall was the top trend worldwide on Twitter after it baffled half of the world,” a-yon sa report ng Mirror.
Dagdag pa ng nasabing international news program, “The three biggest wedding cakes ever made were made for presentation purposes only, and not for an actual wedding.
It means that guests of Marian Rivera and Dingdong Dantes, whose wedding took place today, could be consuming the biggest wedding cake ever ordered.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.