‘Aling Raquel please lang tumigil ka na!’

charice pempengco
Isang maagang tawag ang tinanggap namin mula sa isang naiiritang kaibigan kahapon. Tungkol kay Aling Raquel na mommy ni Charice Pempengco ang kanyang sentimyento.

Unang komento ng a-ming kausap, “Ano ba naman ‘yang nanay ni Charice? OA na siyang masyado! Tama nang tinanggap na lang niya ang gender ng anak niya, okey na ‘yun, pero tigilan na niya ang pagsasabing sabik na sabik na siyang magkaapo sa tomboy niyang anak!

“Ano ba naman ‘yun? Naghahanap ba ng milagro ang nanay ni Charice? Mano ngang tantanan na niya ang pagiging OA!” inis na komento ng aming kaibigan.

Kung matatandaan ay matagal na hindi nag-usap ang mag-ina dahil sa pag-out ni Charice tungkol sa kanyang tunay na kasarian. Galit na galit nu’n si Aling Raquel sa kanyang anak at kay Alyssa Quijano na karelasyon ng international performer.

“Magtigil nga ang nanay na ‘yan ni Charice! Para lang makaeksena siya, e, kung anu-ano na lang ang mga pinagsasasabi niya! Napakahilig kasi sa publicity ng babaeng ‘yun!

“Kung ang Mommy Caring na ni Aiza Seguerra, e, hindi nagsasalita ng ganu’n. Nagpakasal na’t lahat ang anak niya, pero umeeksena ba si Mommy Caring sa pagsasabing gusto na niyang magkaapo?

“Tumigil na nga ang Aling Raquel na ‘yan, paano siya magkakaapo sa mga pompyang?” nagmamaasim pang komento ng iritado naming kaibigan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...