Horoscope, January 02, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Maganda ang magiging pasok ng taong ito ng 2015. Basta ang mahalaga, sa gabi bago matulog ay isipin mong sa taong ito ay tuluy-tuloy na darating ang suwerte at magandang kapalaran sa pag-ibig at maging sa pananalapi. Mapalad ang 6, 14, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Pink at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Umpisa na ngayon ng 2015 kaya ilunsad ang mga pagbabagong buhay na noon mo pa naiisip. Wag na uling magpapautang sa mga taong hindi marunong magbayad. Sa pag-ibig, iiwasan nang paghinalaan ng hindi maganda ang kasuyo. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Obre-Om.” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa taong ito, mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan upang mas mabilis na yumaman. Hindi dapat makuntento sa kasalukuyang kinikita. Yayain ang kasuyo sa isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Suwerte ang 5, 14, 24, 32, 37, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Silver at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Isang dating kaibigan ang magte-text. Bukod sa pagbati ng Happy New Year, may magandang balitang matatanggap na may kaugnayan sa salapi.  Sa pag-ibig, sa taong ito lalong mag-iinit ang romansahan.  Mapalad ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Wagiswari-Padme-Om”. Violet at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito ng 2015 ay mag-concentrate sa ginagawa at wag nang masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang mga positibong iniisip, tuturuan ka niya ng paraan upang kayo ay magtagumpay. Mapalad ng 5, 18, 26, 32, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito ng 2015, upang hindi na uli maranasan ang grabeng hirap, unahing mag-savings bago gumasta.  Sa pag-ibig, malulungkot ang kasuyo kapag tuluyan na kayong naubusan ng pera.  Mapalad ang 1, 18, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Bago maubos nang tuluyan ang pera ay samantalahin ang pagkakataon, inegosyo ang malaking halaga ng salapi na nahawakan. Sa produktong pagkain maganda ang magiging kikita. Sa pag-ibig, isosyo ang kasuyong isinilang sa petsang 5, 14, at 23. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Om.” Silver at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ng 2015 ay kusang darating ang noon pa hinihitay. Biglang lalago ang kabuhayan habang lalong mag-iinit ang pakikipagrelasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 38, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Lilac at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kakaibang sopresa ang magaganap! Bagamat may lungkot pa rin ang puso, maiibsan naman ito pagpasok ng buwan ng Pebrero at Marso. Sa pinansyal, tipid-tipid muna upang makaraos. Mapalad ang 4, 8, 19, 34, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Am-Dhipana-Bodhana-Om.” Green at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit mabilis na nauubos ang pera ay tuloy pa rin ang buhay. Alalahaning  hindi lang naman materyal na bagay ang nagpapaligaya, bagkus may kakaibang sundot din sa puso ang madalas na pagte-text ng “I love you at take care!”.  Mapalad ang 6, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padme-Om.” Red at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan sa taong ito ng 2015 ay malaking suwerte na ang makakamit sa larangan ng materyal na bagay at sa pag-ibig. Mapalad ang 2, 16, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Loes-Sawa-Om.” White at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa taong ito ng 2015, matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, wag ka nang maghanap sa malayo, katabi mo lang siya at lagi mong nakakausap. “Aum-Mani-Padme-Om.” Pink at lilac ang buenas na kulay.

Pisces – (February 19 – March 20)—Upang hindi na mabigo sa anumang ilulunsad na negsoyo, sumunod sa suhestiyon ng kasuyo. Tama ang iniisip mong pagtitipid, sa ganyang paraan ang pag-asenso ay madaling makakamit.” Mapalad ang 5, 10, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at gold ang buenas.

Read more...