Contribution sa SSS nadoble

ASK ko lang po sana sa SSS kung ano ang dapat kong gawin. May isang  taon na rin po akong naghuhulog sa SSS sa pamamagitan ng voluntary contribution pero nagulat na lamang ako nang minsang bumisita ang sister ko sa bahay namin at sinabi niya na may one year na rin siyang nagbabayad ng SSS contribution ko bilang empleyado sa maliit na advertising company niya.
Paano po ‘yon? Dapat ko pa po bang ituloy ang pagbabayad  ng voluntary or self employed gayung binabayaran na pala ako ng kapatid ko? Asahan ko po ang agarang tugon ng SSS sa aking katanungan.
Jennlyn Paras
SSS no. 33-16…

REPLY: Magandang  araw sa iyo, Ms. Paras.  Para sa iyong katanungan  na nadoble ang ibinabayad na contributions: Maaari mo  namang i refund ang one year na naihulog mo sa pamamagitan ng voluntary contributions lalo’t employed ka na sa company ng kapatid mo.

Tiyak na malaki rin ang maitutulong ng isang taon  na naibayad at maaaring maiballik din sa iyo ng SSS.
Malaking kaluwagan din para sa iyo ang  paghuhulog ng kapatid mo para sa iyong SSS contributions.
Magsadya  lamang sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar
Sana ay nasagot naman ang iyong katanungan

Salamat
Ms lilibeth Suralvo
Senior officer
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streamingwww.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...