GOOD day po sa
Aksyon Line.
Ako po si Janneth. May dalawa po akong employer at pareho po akong kinakaltasan ng SSS contributions.
Natatakot lang po ako dahil baka may violations ako or pupwde po ba ang dalawang emloyer ang nagbabayad sa SSS para sa iisang tao lamang?
Dapat po ba na i-give up ko na ang isang employer ko? Sayang din po kasi lalo na at ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko.
Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Salamat po.
Janneth
REPLY: Magandang araw sa iyo Miss Janneth.
Hindi ka dapat mangamba kung dalawa ang employer mo.
Pinapayagan naman ang multiple employer sa mga empleyado na katulad mo.
Wala ka ring violations kung kinakaltasan ka ng SSS contributions ng dalawang employer mo lalo na kung hindi naman naibabawas ang maximum na P560 kada buwan na hulog.
Mas mainam pa nga ito para pag naabot mo na ang retirement age at maaari ka makapag pension ay malaki-laki rin ang matatanggap mo.
Ngunit kung kung lagpas na sa P560 maximum na hulog sa SSS ay maaari mo ng ipatigil ang isang employer sa paghuhulog.
Pero hindi naman nangangulugan na aalis ka na sa pagtatrabaho sa isa mo pang employer lalo’t sa iyo umaasa ang iyong mga kapatid.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms.Beth Suralvo
Senior officer
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.