Multiple employer, SSS contribution | Bandera

Multiple employer, SSS contribution

Liza Soriano - January 01, 2015 - 12:40 PM

GOOD day po sa
Aksyon Line.
Ako po si Janneth. May dalawa po akong employer  at pareho po akong kinakaltasan ng SSS  contributions.
Natatakot lang po  ako dahil  baka may violations ako or  pupwde po ba ang dalawang emloyer ang nagbabayad sa SSS para sa iisang tao lamang?
Dapat po ba na i-give up ko na ang isang employer ko?  Sayang din po kasi lalo na at ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko.
Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Salamat po.
Janneth

REPLY: Magandang araw sa iyo Miss Janneth.
Hindi ka dapat mangamba kung dalawa ang employer mo.
Pinapayagan naman ang multiple employer  sa mga empleyado na katulad mo.

Wala ka ring violations kung  kinakaltasan ka ng  SSS contributions ng dalawang employer mo  lalo na kung hindi  naman naibabawas ang maximum na P560  kada buwan na hulog.

Mas  mainam pa nga ito para pag naabot mo na ang retirement age at maaari ka  makapag pension ay  malaki-laki  rin ang matatanggap mo.

Ngunit kung kung lagpas na sa P560 maximum na hulog sa SSS ay maaari mo ng ipatigil  ang isang employer sa paghuhulog.

Pero hindi naman nangangulugan na  aalis ka na sa pagtatrabaho sa isa mo pang employer lalo’t sa iyo umaasa ang iyong mga kapatid.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.

Ms.Beth Suralvo
Senior officer
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected][email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending