Sigaw ng mga Basher: Anthony Taberna wala kang alam, manahimik ka na lang!

derek ramsay
BATIKOS ang inabot ni Anthony Taberna nang magpahayag siya ng kanyang saloobin about the result ng MMFF Awards Night.
Anthony was particularly questioning kung paanong natalo ni Derek Ramsay ng “English Only Please” sina Robin Padilla ng “Bonifacio” at Coco Martin ng “Feng Shui”.

He was also doubting kung bakit natalo ni Jennylyn Mercado (Derek’s partner sa movie) si Vina Morales (also of Bonifacio).
Anthony was asking, too, kung paanong nanalo bilang best original story and best screenplay ang “English Only, Please”.

Ipinahayag ni Anthony ang kanyang mga hinaing sa social media kaya naman ang daming nag-react, mostly against him.
“Ang kalayaan may kaakibat na responsibilidad Mr. Taberna…

Hindi porket malaya tayong magsabi ng saloobin natin ay basta basta na lang tayo magbibitaw ng kung anu anong pahayag. Sayo na mismo nanggaling, wala ka naman alam sa larangan ng pelikula.

“At lalong di ka naman artista kaya sino ka ba para sabihing mas magaling umarte si ganito kesa kay ganyan? Na lamang si ganito kay ganyan? Eh wala ka ngang alam sa ginagawa ng mga taong hinuhusgahan mo…

Public Figure ka pa man din.. Maging sensitive ka naman sa mararamdaman ng mga nanalo kapag nabasa nila yang pahayag mo. “Pero sabagay, di ka naman pag aaksayahan ng panahon nina Jennylyn at Derek dahil sayo mismo nanggaling, hindi ka eksperto sa pelikula.

Wag gawing excuse ang freedom of speech para magmarunong sa mga bagay na wala ka namang alam at para mangmaliit ng kakayahan ng ibang tao,”  aria ng isang guy.

“Teka da who ba etong reporter na eto na nagmamarunong? sumikat ba cya? or gustong magpapansin lang yan para sumikat? Ahahaha,” mataray naman na reaction ng isa pa.

Ang feeling naman ng isang nag-comment ay bitter lang si Anthony dahil hindi taga-Dos ang nagwagi. “Napanood mo ba yong movie na FORREST GUMP na naging best picture ng US at naging confidential at controversy, same goes sa screenplay.

Smooth po ang takbo ng istorya at di na kailangan pa dagdagan ng twist, yan ang screenplay para di malito ang manonood.
“Wag po kayong bitter, si Jen ang naging best actress dahil naka-base ang character nya sa movie, wag mong sabihin na bakit?

Kuhang-kuha ni jen ang naturalism, yan ang aspect ng pagiging best actress. Mag-study po kayo ng SYMBOLISM para makakuha ng ideya, wag naman mag-sulat ng opinyon na merong ma-ooffend sayong isinulat.

“Yes, opinyon mo yan. I respect. Let’s go to D. Ramsey, humanismo po ang nakabalot sa kanya kung napanood mo sya kaya best actor sya, hindi magiging best performer ang isang artista kung di i-aaply ang SYMBOLISM.

Yan lang po, at sana nakakuha kayo ng karagdagang impormasyon,” mahabang paliwanag ng isang hindi naniniwala sa opinion ni Anthony.

Read more...