Ika-2 kasal nina Aiza at Liza sa Pinas tuloy na; bawal ang itim

aiza seguerra
NAKATAKDANG maganap ang “second wedding” ng magdyowang Aiza Seguerra at Liza Diño sa January 8, 2015.

Ito’y matapos ngang magpakasal ang dalawa sa Amerika noong Dec. 8 na dinaluhan ng ilan sa malalapit nilang kamag-anak at mga kaibigan.

Alam nina Aiza at Liza na hindi legal sa Pilipinas ang same sex marriage kaya nilinaw agad ng mag-asawa na walang kasalang magaganap, isang “celebration of love” raw ang gagawin nila kasama ang mga taong sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

“Everything that happens with how the LGBT is affected by our relationship is really incidental,” ayon kay Liza Diño sa isang interview ng ABS-CBN.

“Hindi talaga namin pinaplano na we have to make a statement. We are advocates, of course. Pero kumbaga we’re not doing this to be recognized.

We just feel we have to do this because number one, our families are here and like what Liza said, kahit gaano ka-special ‘yung wedding namin sa US, our families, our best friends are all here,” paliwanag naman ni Aiza.

Ayon pa kay Aiza, nagdesisyon silang “magpakasal” ulit dito sa Pilipinas para naman sa mga kapamilya, kapuso at mga kapatid nilang hindi nakarating sa kanilang US wedding.

“Napakaimportante na maibigay ‘yun sa pamilya namin. It’s not a statement we’re trying to make to other people. Ever since, this relationship has always been about us and the people we love, and it’s going to remain that way,” chika pa ni Aiza.

Ang second wedding ng dalawa ay isa lamang symbolic ceremony, “It’s so bright and fresh. No black during the wedding. It’s a beach wedding. It’s very different from the forest wedding. Enchanting and magical ‘yung isa.

“Ito mas laid back, very festive. A lot of personal touches still but more rustic. Ang pinakamaganda sa wedding namin is the song, the music,” dagdag pa ng singer-actress.

Ilan sa mga inimbitahan nina Aiza at Liza ay mula sa mundo ng showbiz na nakatakda ring mag-perform para sa kanila at sa mga bisita.

“Happy ako kasi working in the industry, may perks din. I was able to invite friends who will sing for us for free. Happy ako kasi it will make everything more special,” sey pa nito.

Agad namang pumayag kumanta sa symbolic wedding nina Aiza at Liza sina Martin Nievera, ang grupo ni Aiza sa ASAP na Sessionistas at ang The Company.

Read more...