Aasenso na ba sa 2015? (2) | Bandera

Aasenso na ba sa 2015? (2)

Joseph Greenfield |December 30,2014
facebook
share this

Aasenso na ba sa 2015? (2)

Joseph Greenfield - December 30, 2014 - 02:56 PM

Sulat mula kay Ms.  Cancer ng Happy Homes Centro, Daet,  Camarines Norte
Problema: 
1.      Ako po ay tapos ng kursong IT may asawa at dalawang anak. Bakit po hanggang ngayon sa edad kong 33 years old na sa ngayon ay hindi pa rin po stable ang career ko. Ibig sabihin may gusto pa akong makamit sa buhay pero lagi naman akong bigo. May trabaho po ako sa ngayon pero di ako masaya, at nahihirapan ako kasi saktong-sakto lang sa aming pangangailangan ang suweldo ko.
2.      Puwede nyo po ba akong bigyan ng advice o dapat gawin para guminhawa naman ang buhay namin at tuloy-tuloy na akong umasenso lalo na sa taong ito ng 2015? Minsan ay iniisip ko rin pong mag-abroad, makapagta-travel po ba ako at uunlad kaya ako sa pangingibang bansa? July 5, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Ms. Cancer ng Daet, Camarines Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing sa darating na taong 2015, na siya ring Year of the Sheep sa Chinese Astrology na siya namang Year of Cancer sa Western Astrology, tiyak ang magaganap – sa nasabing panahon magsisimula ka nang umansenso at umunlad.
Numerology:
Ang birth date mong 5 ay nagsasabing siguradong sa nasabing taong 2015, sa edad mong 34 pataas, makapag-aabroad ka  na malapit din sa Pilipinas, at sa nasabing bansa, uunlad at aaseno na rin sa wakas ang iyong career, kung saan, sa propesyong may kaugnayan din sa natapos mong kurso, tulad ng nasabi na tuloy-tuloy ka nang uunlad at aasenso.
Luscher Color Test:
Upang mas madali mong masapul ang magandang kapalaran sa 2015, lagi ka ring magsuot ng kulay na pula at berde. Ang nasabing kulay ang magdadala sa iyo sa kumpletong kaligayahan, at malaking pag-unlad sa larangan ng material na bagay hanggang sa tuloy-tuloy ka nang yumaman.
Huling payo at paalala:
Ms. Cancer tandaan mong ang 2015 ay Year of the Sheep sa Chinese Astrology, ngunit ang Sheep na Year ay siya ring taon ng mga tulad mong isinilang sa zodiac sign na Cancer. Tulad ng nasabi na, isa-isa nang matutupad ang iyong mga pangarap sa buhay, hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umansenso at yumaman, at ang magiging pasimula ng lahat ng iyan ay ang pangingibang bansa mo sa nasabing taong 2015 sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo sa edad mong 34 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending