Nadine Lustre gustong sundan ang mga yapak ni Angel Locsin

nadine lustre
ISA pala sa mga pangarap ng Kapamilya youngstar na si Nadine Lustre ang makasama si Angel Locsin sa isang proyekto. Grabe pala ang paghanga nito sa girlfriend ni Luis Manzano.

“Si Miss Angel Locsin, I’d love to work with her kasi gusto ko talagang project action,” chika ni Nadine sa isang interview.
Sey ng ka-loveteam ng young hunk actor na si James Reid, ang showbiz career ni Angel ang gustong sundan ni Nadine – bukod kasi sa magaling na itong magdrama ay magaling din ito sa aksiyon na gusto rin niyang gawin in the future.

Sinubaybayan din daw ni Nadine ang ilan sa mga drama-action series ni Angel tulad ng Darna, Lobo at Imortal. Hirit pa ni Nadine, gusto rin daw niyang makita ang sarili na nag-aaksiyon, “I want to do my own stunts.

I know it’s dangerous, pero I want to do that.” “I’m just really a big fan of mga actresses na pwede sa action like sila Angelina Jolie, Zoe Saldana, Michelle Rodriguez. I think action is cool,” dagdag ng young actress.

Samantala, pinaplantsa na ang susunod na show nila ni James sa ABS-CBN, huli silang napanood sa TV sa Wansapanataym.
“I’m definitely looking forward to more projects.

I heard we have a project coming up but hindi pa kami nakukwentuhan. Hindi pa nila nasasabi ang details about it. But I’m really excited kasi maraming hinandang projects para sa amin,” sey pa ng dalaga.

Siyempre, napakaswerte ng dalawang bagets na ito dahil kahit bago pa lang sila sa industriya ay puro malalaking projecs na ang ibinibigay sa kanila, kabilang na nga riyan ang dalawang magkasunod nilang blockbuster movies, ang “Diary Ng Panget” at “Talkback And You’re Dead”.

“We are really happy kasi bago lang kami ang yet binubuhusan nila kami ng projects,” pahabol pa ni Nadine.

Read more...