SONSONA PASOK SA 2014 TOP KNOCKOUTS

ISAMA na si Marvin “Marvelous” Sonsona sa mga Filipino boxers na nagpakita ng magandang laban ngayong 2014.

Ito ay matapos na mapabilang ang third-round knockout ni Sonsona kay Akifumi Shimoda ng Japan sa top knockouts of 2014 ng ESPN.

Isinama ni ESPN senior reporter Dan Rafael ang nakakagulat na suntok ni Sonsona kay Shimoda sa labang ginanap noong Pebrero 22 sa Cotai Arena sa Macau kung saan kinubra ng Pinoy fighter ang World Boxing Organization International featherweight title.

Ang kaliweteng si Sonsona ay binigyan ng matinding left uppercut si Shimoda na nagpatumba dito.

Hindi nagawang makabangon ni Shimoda na naging daan para ipagdiwang ng dating junior bantamweight world champion na si Sonsona ang panalo may 1:17 ang nalalabi sa ikatlong round.

Inilarawan din ni Rafael ang KO win ni Sonsona sa pagsabi na Shimoda’s “head snapped back and he fell to his rear end with his left leg pinned underneath him and then he fell flat on his back, out cold as his head slammed the mat.”

Bumilang si referee Danrex Tapdasan subalit itinigil agad ang laban nang hindi bumangon si Shimoda matapos ang ilang minuto.

“Big shot catches him! That might be it,” sabi naman ni Top Rank broadcaster Bob Sheridan. “It’s all over! It’s all over! It’s gonna be scored a knockout. He’s not getting up at all.”

Read more...