Bandera Throwback 2014: Rape, sex scandal, bugbugan, demandahan | Bandera

Bandera Throwback 2014: Rape, sex scandal, bugbugan, demandahan

Ervin Santiago - December 30, 2014 - 03:00 AM

throwback

PUNUMPUNO pa rin ng iskandalo at kontrobersiya ang taong 2014. Maraming sikat na celebrities ang muling nasangkot sa sex scandal at kung anu-ano pang maiinit na isyu.

Narito ang ilan sa mga hindi malilimutang eksena na kinalap ng Bandera sa pagtatapos ng Year of the Horse. Ilan sa mga pasabog na balita ikina-shock ng madlang pipol ay pinagbidahan naman ng mga Kapamilya stars, kabilang na ang mga host ng noontime show na It’s Showtime na matagumpay namang nakabawi mula sa pagkakadapa.

VHONG NAVARRO: “BINABOY NILA AKO!”
Pagpasok pa lang ng Enero, nawindang at nabulabog ang mundo ng showbiz nang mabalitang binugbog at binaboy daw ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee si Vhong Navarro sa loob ng isang condo. Kasabay nito ang pagsasampa ng mga kasong rape laban sa TV host-comedian, kabilang na ang rape complaint ng modelong si Deniece Cornejo.

Pero matapos ang ilang buwang pagdinig, lahat ng rape charges ay idinismis ng korte. Nakulong sina Deniece at Cedric sa mga kasong isinampa ni Vhong pero pansamantalang nakalalaya matapos magpiyansa.

BILLY CRAWFORD: SIGE, IKULONG N’YO KO!
Hindi naman nagpatalbog sa kontrobersiya ang isa pang host ng It’s Showtime na si Billy Crawford matapos itong makulong sa Taguig Police Station dahil sa sobrang kalasingan. Sinampahan siya ng kasong malicious mischief na hanggang ngayon ay dinidinig pa sa korte.

Naramdaman naman ng madlang pipol ang sincerity ng pagso-sorry ng TV host-singer-actor kaya agad din siyang pinabalik sa noontime show ng Dos. Matapos ang iskandalong ito, umamin na rin si Billy sa relasyon sa co-host din ng Showtime na si Coleen Garcia.

SIGAW NI PAOLO BEDIONES: HUSTISYA SA SEX VIDEO SCANDAL!
Hindi lang isa, kundi dalawang sex video ng TV host  na si Paolo Bediones ang kumalat sa internet. Sa dalawang video pinaniniwalaang iisang babae lang ang kaniig ng Kapatid news anchor.

Kasabay ng pag-amin na siya nga ang bida sa nasabing sex video, humingi ng tulong ang news anchor sa pulis para mahuli ang taong nag-upload nito sa internet. Balitang sinuspinde rin siya ng TV5 dahil dito. Pero itinanggi naman ito ng Kapatid network.

“DEREK RAMSAY: GAGAWIN KO LAHAT PARA SA ANAK KO!”
Walang kaabug-abog ang paglantad ng asawa ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly. Nagsampa ito ng kasong violation of Violence Against Women and their Children Act laban sa hunk actor.

Dito nga nalaman ng publiko na may anak na siya at inakusahan ngang pabayang ama. Bukod pa iyan sa mga pasabog ng babae tungkol sa mga trip daw ni Derek pagdating sa sex.

Ilang beses pinagharap ang dalawa sa korte para sa mga demands ni Mary Christine – balitang humihingi ito ng malaking halaga kapalit ng pag-urong sa kaso. Hanggang sa magkaroon nga sila ng kasunduan alang-alang na lang sa anak nilang si Austin.

SI DANIEL PADILLA AT ANG AUDIO SCANDAL
Nagkagulo ang mga netizen sa iba’t ibang social networking sites nang kumalat ang audio-video scandal ni Daniel Padilla na ikinalat mismon ng isa niyang kaibigan.

Maririnig sa kumalat na audio scandal ang pag-uusap ng tropa ni Daniel kung saan sinabi nga nitong na-excite siya sa text message na ipinadala ng Kapatid actress na si Jasmine Curtis.

Nabanggit din ang pangalang Sam na pinaniniwalaang si Sam Concepcion na boyfriend ni Jasmine. Nagwala ang fans ni Daniel at ng rumored girlfriend niyang si Kathryn Bernardo, galit na galit ang mga ito kay Jasmine kaya napilitan nang mag-sorry si Daniel sa madlang pipol.

Pero sa kabila nito, hanggang ngayon ay binabastos pa rin ng ilang KathNiel fans si Jasmine at tinawag pang flirt at malandi.

KRIS AQUINO-HERBERT BAUTISTA LOVE AFFAIR: LABAN O BAWI?!
Siyempre, patatalbog ba ang Presidential sister na si Kris Aquino pagdating sa pagiging newsmaker of the year? Ilang linggo ring nasa headline sina Tetay at Bistek dahil sa tila “laban o bawi” nilang pag-iibigan?

Naging national issue talaga ang love affair ng dalawa lalo na nang madamay na pati ang mga anak ng mayor ng Q.C..
Matapos ang ilang araw, inamin ni Bistek na pinutol na niya ang kung anumang meron sila ni Kris dahil naaapektuhan na pati ang kanyang mga anak.

Bago ito, nagtungo pa sa ibang bansa ang mga anak ni Bistek kasama ang ina nitong si Tates Gana para makaiwas sa nasabing iskandalo. Hindi ito nagsalita ni minsan ng laban kina Kris at Herbert.

SHARON CUNETA: KASALAN KO RIN KUNG BAKIT AKO TUMABA NANG TUMABA!
Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Megastar Sharon Cuneta na dumaan siya sa “midlife crisis” at napabayaan niya ang kanyang sarili kaya tumaba siya nang tumaba.

“I became rebellious because I hated myself for the way I looked and the time I continued to waste by not focusing and working on bettering my own person. I feel that I have let you (fan)] down. I let myself go, I allowed myself to get fat and stay fat.

I became complacent…and I never lost faith in God, and in you, but I ignored the fact that I had lost faith in myself. It was I who let myself become affected by the fact that I had turned forty, not my public…IT IS my fault, my friends.

I am only human.” Pero mismong ang anak niyang si KC Concepcion ang nagpatunay na malaki na ang ipinayat ngayon ni Mega matapos karirin ang pagda-diet at exersice. At posibleng ibandera nito ang bagong “Sharon Cuneta” sa kanyang 49th birthday sa January 6.

NANAY NI CHERRY PIE PICACHE BRUTAL NA PINASLANG
Nagulantang ang mga kapamilya at mga kaibigan ng premyadong aktres na si Cherry Pie Picache nang mabalitang brutal na pinaslang ang ina nito sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tadad ng saksak si Mrs. Zenaida Sison, 75 years old, nang matagpuan ang bangkay nito. Sa imbestigasyon, pinatay ang matanda matapos pagnakawan. Isang suspek ang naaresto matapos ang ilang araw na manhunt operation.

Hanggang ngayon ay dinidinig pa ang kaso ni Mrs. Zenaida at umaasa si Cherry Pie na mabilis nilang makakamit ang hustisya. Sa huling panayam sa aktres, sinabi nitong, “The way the trial is moving, it’s very fast. That’s our ultimate justice, for him to be convicted as soon as possible.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending