Nadine Lustre nilait ng bashers nang magwaging Celeb Face of the Night

nadine lustre
Samantala, naawa naman kami sa ka-loveteam ni James Reid na si Nadine Lustre. Dahil sa pagkakapanalo niya bilang Celeb Face of the Night sa MMFF awards night ay puro panlalait lang ang napala niya mula sa ilang netizens.

As in talagang puro pamimintas ang ibinato sa kanya ng bashers. May mga nagsabing wala raw karapatang manalo si Nadine ng Celeb Face of the Night dahil maraming mas magandang celebrities daw nu’ng gabing yun.

Mga bulag daw ba ang pumili ng winner for that special award?  May mga nagsabi naman na baka raw endorser si Nadine ng produktong nag-sponsor sa nasabing award kaya siya win?

Well, na kay Nadine na ang prize, kaya wala na rin kayong magagawa.

Read more...