Mabuti pa umalis na lang si Katrina Halili sa My Beloved.
Walang mananalo sa buntis. Kahit sandamakmak ang eskandalong kinasangkutan ni Katrina na ikinabagsak ng career niya, buntis siya ngayon and people tend to side with her.
Nakakadagdag pa siguro ang napakagandang image ngayon ng kanyang kinakasama na si Kris Lawrence na hindi siya iniwan noon sa gitna ng eskandalo so plus points ulit ito sa kanya so she could do anything now and people will understand her.
Pero kung totoo nga ang lahat ng sinasabi niya – taliwas sa report ng mga production na siya ang nagpapasimula ng gulo dahil parang si Marian Rivera yata ang pinaglilihan niya – bakit hindi na lang siya umalis sa show?
First, she needs a lot of rest dahil buntis siya at kung pressure sa kanya ang sinasabi niyang “gulo” sa set, mawawala ito once she leaves the show.Baka makasama pa ito sa anak niya.
Most importantly, we remember Dominic Zapata’s comment on this when we last visited the TeleBabad soap of GMA. Si Katrina raw ang ayaw umalis.
Hanggang kailangan daw siya ng show hindi siya aalis.
Kung kailangang isulat na buntis ulit si Katrina after seven years na itatalon ng show, work pa rin daw siya.
So ano pa inaangal niya ngayon?
She will always have the choice of leaving the show kung gusto niyang manahimik tama, EAS? (Naku, ateng talagang tomohhh! Ha-hahaha! – Ed)