Daniel naging mabuting anak at kapatid kaya pinagpala

daniel padilla
Sana’y maging mabait at mabiyaya pa rin ang 2015 para kay Daniel Padilla. Kung gaano namunga ang kanyang career ngayon 2014, sana’y ganu’n pa rin ang mangyari sa papasok na taon, lagi naming sasabihin na ang mabuting anak at kapatid na katulad ni DJ ay dapat pinagpapala.

Biglang nagbago ang takbo ng kanilang buhay nu’ng nakaraang taon. Mula sa kakapusan ay naipagpatayo ng bahay ni DJ ang kanyang pamilya, guminhawa ang kanilang buhay, salamat na lang at meron siyang inang tulad ni Karla Estrada na mapagpahalaga sa kanyang mga pinagpapaguran.

Walang maibubutas kay Karla ang kahit sino, pinabibili na ito ni Daniel ng kung anumang magustuhan mula sa kinikita ng kanyang anak, pero si Karla pa ang tumatanggi.

Ang kanyang katwiran, “Mas magandang isipin muna namin na after this, what’s next? Kaya ‘yung mga prayoridad muna ang dapat mauna, makapaghihintay naman ang iba pang mga bagay.

“Pumapayag lang akong bumili ng something para sa sarili ko kapag may okasyon. At si DJ pa ang nagpapaalala sa akin.
“Ganu’n siya sa amin ng mga kapatid niya, sobra siyang mapagmahal at maalalahanin,” nanay na nanay na sabi pa ni Karla Estrada.

Read more...