Magkaka-anak na ba sa 2015? (2)

Sulat mula kay Rose Anne San Francisco, Panabo, Davao del Norte
Problema:
1. Sa darating na January 10, mati-three years na po kaming nagsasama ng mister ko ang malungkot po until now wala pa rin kaming babay. Maraming espesyalista na ang aming napagakunsunsultahan pero wala pa rin.
2. Naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magka-baby. Kaya sana Sir Greenfield sa pamamagitan nyo mabigyan ko na ng baby ang mister ko para makumpleto na ang aming pamilya at para lalong lumigaya ang aming pagsasama? At kung magkaka-baby kami, puwede po bang malaman kung kailan, sa taon po bang papasok na 2015 at kung babae po ba o lalaki ang magiging first baby naming? July 4, 1988 po ang birthday ko at November 13, 1987 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Rose Anne ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Scorpio naman si mister ay nagsasabing compatible naman kayo, kaya sa malapit na hinaharap, pagpasok na pagpasok ng taong 2015, malaki ang pag-asang mabubuntis ka na ni mister hanggang sa tuluyang magka-anak.
Numerology:
Ang birth date mong 4 at November 13, naman si mister ay nagsasabing the best sa inyong mag-asawa ang taong 2015 para panayin ang paggawa ng baby.
Graphology:
Upang mas madaling matupad at mangyari ang ipinapahayag sa itaas, lagyan mo ng bilog o buhay na buntot ang lahat ng letrang “g at y” sa iyong sulat kamay. Sa ganyang paraan, lalakas at sisigla ang libido na tinatalay ng iyong katawan at sa lalong madaling panahon kapag nagsiping uli kayo ni mister, isang malusog at matalinong sanggol ang kusang mabubuo sa iyong sinapupuhanan.
Huling payo at paalala:
Ayon sa iyong mga datos Rose Anne, hindi kayo dapat mainip ni mister, dahil tinugon na ng tadhana ang inyong panalangin. Kung saan, sa taong darating 2015 sa buwan ng Oktubre pinakamatagal na sa Disyembre, panayin n’yo ang pagtatalik, dahil sa panahong nabanggit, makakabuo ng isang malusog na lalaking sanggol, na kukumpleto at magbibigay ng dagdag na galak at saya sa inyong pamilya.

Read more...