PH wushu artists dadaan sa matinding pagsasanay para sa 2015 SEA Games

BIBIGYAN ng intensibong pagsasanay ang mga wushu artists ng bansa sa hangaring pangunahan ang kampanya ng Pilipinas sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa 2015.

“We are giving our wushu athletes the chance to train in China. The plan is for them to stay there for a long period of time to be fully prepared for the SEA Games,” wika ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Jolly Gomez.

Kailangang matiyak na preparado ang pambansang koponan dahil dalawang events na lamang ang paglalabanan sa sanda (contact) category.

Noong 2013 sa Myanmar SEA Games ay nanalo ng tatlong ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya ang bansa sa wushu at ang sanda ay naghatid ng dalawang ginto at dalawang pilak.

Sa kompetisyon sa Singapore, ay ang mga silver at bronze medalists sa men’s 56kg at 60kg divisions sa Incheon Asian Games na sina Jean Saclag at Francisco Solis ang aasahan sa gintong medalya.

Ang taolo ang siyang dapat na kuminang at 11 atleta ang balak ipadala ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) sa pangunguna ng dating world junior champion na si John Keithley Chan at Myanmar SEA Games at Asian Games silver medalist Daniel Parantac.

Kukumpletuhin ang delegasyon nina Thornton Quieney Lou Sayan, Norlence Ardee Catolico, Spencer Palitog Bahod at Dave Degala sa kalalakihan at sina Kariza Kris Chan, Agatha Chrystenzen Wong, Natasha Manalansan Enriquez, Lesly Romero at Vanessa Jo Chan sa kababaihan.

Inaayos pa ang pondong gagamitin para sa pagsasanay ng atleta sa China na nais na pasimulan sa buwan ng Enero.

Read more...